Sa wakas, tapos na ang ating paghihintay. Na-sub na ang Jujutsu Kaisen 0, at handa na ilabas ang kaniyang theatrical release para sa mga international audiences. 

Matapos mag-debut sa Japan noong Christmas Eve, nawasak ng animated movie ang box office records bilang highest-grossing na pelikuha noong 2021 dahil sa kaniyang kinita na US$91M. Sa Taiwan lamang, kumikta ang pelikuha ng US$3.5M sa loob ng anim na araw. 

Isang franchise na sinakop ang mundo dahil sa napakaraming collaborations at isang paparating na sariling mobile game, ang Jujutsu Kaisen 0 ang pinakaunang animated movie na may international release. Gawa ng MPPA ang animation at dinirekta ni Sunghoo Park, ang team na ito ang nagbigay sa atin ng season one. Nabigyan ng buhay ang four-chapter comic prelude ni Gege Akutami para sa big screen. 

Warning: Major spoilers kung hindi mo pa napapanood ang Jujutsu Kaisen 0 the movie o kung hindi mo pa nabasa ang Volume 0 ng manga. 

Ang emosyonal na eksena sa pagitan nina Gojo at Geto: Jujutsu Kaisen 0 ending, ipinaliwanag 

Jujutsu Kaisen 0 Satoru Gojo
Credit: MAPPA

Kung napanood mo ang inaabangang movie na ito, mapapansin mo na ang isa sa pinaka-prominenteng eksena ng pelikula ay nangyari sa dulo. 

Tinalo ng biga na si Yuta Okkotsu at sinumpa ang kaniyang espiritu na si Rika Orimoto, dumudugo ang kanang braso ni Suguro Geto sa isang eskinita sa tokyo Metropolitan Curse Technical School matapos maputol ito. Kahit na nagpakawala siya ng kaniyang ultimate curse technique at isang espesyal na grade curse, na-wipe out sila ni Rika sa isang pasabog. 

Matapos mapansin ni Geto ang presensya ni Satoru Gojo, tinawag niya ito at sinabing, “You’re late.”  

Malalim ang historya ng dalawa, at nagmula pa ito sa kanilang panahon sa Tokyo Metropolitan School kung saan nagkaroon sila ng powers, isang arc na tinahak sa season two. Dating best friends, naghiwalay sila dahil sa magkaibang ideolohiya. 

Jujutsu Kaisen 0 Chapter 4 Geto death
Credit: Gege Akutami

Kahit na may pagkakataon si Gojo na patayin si Geto noon, pinakawalan niya ito, at nakita ito sa isang flashback sa movie. Ngayon ay hinaharap na niya ang bunga ng kaniyang mga ginawa, ipinahiwatig sa movie na may plano na siyang ituloy ito at tinanong si Geto, “Any last words?” 

Sinagot siya ni Geto na ayaw pa din niya sa mga unggoy, at diniin lalo ang kaniyang ideolohiya at kung bakit niya nagawa ang mga kasalanan niya.  

Sa susunod na eksena ng manga, nagsalita pa si Gojo, ngunit hindi sinulat ang kaniyang mga linya. Sa movie, pinakita na gumagalaw ang labi niya, ngunit hindi maririnig ang kaniyang audio dialogue. 

Ang alam lang natin ay may sinabi siyang positibo base sa sinagot ni Geto. 

Jujutsu Kaisen 0 interview
Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports, credit: @kaikaikitan on Twitter

Sa isang published Q&A kasama si Gege Akutami, tinanong ang creator at manga author kung ibubunyag ba ang sinabi ni Satoru Gojo sa eksenang ito. Sinalin ni shiro sa Twitter, tinukso ng manunulat na ang kaniyang mga sinabi ay makikita sa Volume 0 mismo.  

Dahil diyan, nanghula ang mga fans at nasabing sinabihan na parehas ang sinabi niya kay Geto sa sinabi niya kay Yura sa kaniyang mga huling salita sa comic at movie. 

Matapos tanungin ni Yuta kung si Gojo ba ang nakapulot ng kaniyang student card ID, sinagutan niya ito ng “He is my best friend. The one and only.” 

Jujutsu Kaisen 0 Satoru Geto
Credit: Gege Akutami, JUMP comics

Sinabi niya ito sa present tense, kahit na sa puntong ito patay na si Geto at naghiwalay na sila matagal na, at pinapakita nito kung gaano niya pinahalagahan si Gojo sa kabila ng mga nangyari.  

Isa itong emosyonal na moment sa movie at comics, at isa sa mga iilang eksena na nagpakita sa totoong ugali ni Satoru Gojo. 

Tuklasan kung ano ang mga release dates ng Jujutsu Kaisen 0 sa bansa mo at kung saan ka pwedeng makakuha ng tickets. 

 Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, What did Satoru Gojo say to Suguru Geto? Jujutsu Kaisen 0 ending explained.