Hindi masyadong nabibigyan ng pansin ang in-game observers sa mundo ng esports, pero kung wala sila, hindi magkakaroon ng esports na alam natin ngayon.
Nagsisilbing camera operators ang in-game observers sa kahit anong esports title. Responsable sila sa mga nakikita natin sa ating mga screen kapag tayo ay nanonood ng mga torneo. Nakikita man natin na tila ang ginagawa lang ng mga observer ay magpunta sa spectator slot at panoorin ang isang laro, hindi ito kasingdali ng iniisip natin.
Kinapanayam ng ONE Esports si Nicolas “Yehty” Tesolin, isang FPS observer sa Valorant Champions Tour, para malaman kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa pag-observe ng ilang sa mga pinakamalalaking torneo sa buong mundo.
Ano ang ginagawa ng in-game observers sa esports?
Ang in-game observers ang kadalasang nagdidikta ng kung anong nakikita natin sa isang esports match sa pamamagitan ng player perspectives at spectator client.
May dalawang uri ng in-game observers partikular na sa FPS: ang POV at cinematic o free-cam.
Trabaho ng POV observer ang mag-focus sa pagpapalit-palit ng perspective ng mga player sa first-person. Samantala, ang cinematic/free-cam observer naman ay mas nakatuon sa wide-angle, creative shots o kaya naman sa paghahanap ng mga pangyayaring may konteksto na maaaring hindi makita ng isang POV observer.
Sa mga MOBA title tulad ng League of Legends, maaaring meron ding pangatlong uri ng observer–ang replay observer. Ayon kay Yehty, ang mga replay observer ang isa sa may pinakamasayang trabaho.
“With an external program called League Director, they get nice cinematic shots within the Summoner’s Rift,” paliwanag ni Yehty. “You’re able to scroll through and work limitlessly within the capacity of that spectator client and fly through wherever you feel like across the entire map. It’s a lot of fun.”
Anu-anong mga kakayahan ang kailangan para maging isang in-game observer?
Sa ngayon ay wala pang mahigpit na qualifications para maging isang in-game observer sa esports. Given na ang kaalaman sa isang laro maging ang karanasan gamit ang spectator client.
Pero kailangan din magkaroon ng ibang lebel ng pagkakakilanlan sa mga koponan na iyong ino-observe, kaalaman sa kasalukuyang meta at kung paano ito pwedeng mag-iba, maging ang mindset ng mga player.
“You need to be able to predict what’s going to happen before everyone else in that lobby or anyone else viewing would be able to,” sabi ni Yehty.
“For example, if I know a player that does any cross-map, Average Jonas-style Sova shock darts to try and counter some attacker, I might recognize that they’re going to do that lineup just based on their position on the mini-map. I can set up for that,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ni Yehty na napakahalaga para sa in-game observers ang abilidad na panatilihin ang focus at pagkakaroon ng mental fortitude. Maaaring madali lang matutunan ang observing pero mahirap itong i-master.
Ang pagkakaiba ng pag-observe ng FPS at MOBA
Ayon kay Yehty, ang malaking kaibahan ng pag-serve ng FPS games kontra sa MOBA ay gusto mong makita lahat sa MOBA, pero sa FPS hindi kinakailangan na ganoon din.
Gamit ang top-down view ng MOBA, pwede mong makuhanan ang mga aksyon sa isang frame lamang.
Pero sa FPS, ang suspense at tension na hindi mo nakikita ang nag-eengganyo sa’yo na manood.
Bakit mahalaga ang in-game oberservers sa esports?
Bilang panimula, kung walang observers, malamang ay wala ring palabas.
Pero maliban sa pagkakaroon ng kapangyarihan kung ano ang ipalalabas, ginagawang mas magaan ng in-game observers ang panonood ng esports lalo na sa mas kumplikado at propesyonal na antas.
“It’s important that what’s being shown can be understood clearly to a viewer so that there’s no confusion about what’s happening at any given moment,” wika ni Yehty.
Mas nakikita mo na ba ngayon ang kahalagahan ng in-game observers? Kami, oo! Pwede niyong masaksihan ang trabaho ni Yehty sa Valorant Champions Tour kabilang na ang VCT Stage 3 Masters Berlin.
Para sa karagdagang detalye tungkol sa panayam namin kay Yehty, maaari niyong mapanood ang aming in-depth video sa YouTube.
Ang orihinal na akda ay isinulat ni Mika Fabella ng ONE Esports.