Ngayon na tapos na ang Spring 2021 season, nagpapahinga na ang mga Leage of Legends professional teams. Si Kang “TheShy” Seung-lok ng Invictus Gaming ay bumalik na sa South Korea galing China, at siya ay nag-lilivestream ng kaniyang mga solo queue games.

Kamakailan lamang, lumabas sa sa channel ng dating Overwatch pro player at ngayong fulltime streamer na si Suk “DDDD” Joo-hyung. Habang magkatabi, pinagusapan nila kung paano nagsimula ang kaniyang pro gaming career.

Ibinahagi ni TheShy na kahit nasa kolehiyo pa lang siya at hindi pa siya marunong mag-stream ng kaniyang mga solo queue games, nasa radar na siya. Una siyang kinausap ni Edward Gaming ng LPL team, at sumunod na ang Invictus Gaming.

Credit: lol esports/riot games

“In solo queue, I felt that Rookie really played so well,” sabi ni TheShy. “I didn’t think anyone played well at that time, and I myself was quite wild. However, that’s not the case now.”

“I admired Rookie very much,” dagdag ni TheShy. “He’s the only one I thought of as strong, so joining Invictus Gaming wouldn’t be a bad idea.”  

Inilarawan pa ni TheShy si Song “Rookie” Eui-jin bilang isang kuya na maalagain sa iba. Sinabi rin niya na parang isang pamilya ang Invictus Gaming, at ito ang nagpalambot ng puso niya kahit na mas malakas na organisasyon ang Edward Gaming.

Sa huli, dahil natapos na ang kaniyang streaming contract at nag-extend ng “olive branch” ang kaniyang paboritong player, sumali na si TheShy sa Invictus Gaming noong May 2017, at doon na nagsimula ang lahat.