Sa tuwing kelan nagiging sikat o nakakatanggap ng positibong reviews ang isang Japanese anime series o pelikula, napapansin ito lagi ng Hollywood.
Ang Ghost in the Shell, Death Note, at Cowboy Bebop ang iilan lamang sa mga pelikulang inadapt ng Hollywood.
Maraming anime shows at movies ang naka-schedule na lalabas ngayong taon sa industriya ng American motion-picture. Inaabangan ng mga fans ang premiere ng ONe Piece live-action ng Netflix ayon sa mga survey results.
Nanguna ang One Piece live-action ng Netflix bilang pinakainaabangan na Hollywood adaptation
Sabik na mapanood ng anime world ang One Piece live-action sa Netflix. Naguna ang adaptation sa isang survey sa mga fans na isinagawa ng manga publishing company na Futabasha Publishers sa Japan.
Binoto ng mga participants ang One Piece live-action bilang “most awaited adaptation” mula sa Hollywood. Bilang isang anime na pinakamamahal ng mga fans, ipinangako ng creator na si Eiichiro Orda na magiging tapat ang adaptation sa franchise.
Dagdag pa riyan, “off the charts” kuno ang production budget ng Netflix para sa pelikulang ito. Inaasahan ito’y magkakaroon ng bagong record sa pinakamahal na production cost sa isang television drama history,” ayon sa Tomorrow Studios producer na si Mary Adelstein.
Nasa second spot naman ang adaptation ng You Name ni Makoto Shinkai. Sabik na makita ng mga survey participants ang perspective ng Hollywood sa sikat na anime movie na ito.
Ito ang buong listahan ng pinakainaabangang Hollywood adaptations:
- One Piece live-action — 18%
- Your Name — 16.3%
- Gundam — 11%
- Attack on Titan — 10.3%
- Ghost Files (Yu Yu Hakusho) — 9.7%
- The Promised Neverland — 7.7%
- One Punch Man — 6.3%
- Saint Seiya — 6.0%
- My Hero Academia — 5.3%
- Megaman — 4.3%
Ang live-action series para sa One Piece, Gundam, at Ghost Files (Yu Yu Hakusho) ay co-produced ng Netflix.
Maaring basahin ng mga fans ang survey results sa Futabanet.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang anime news, gabay, at highlights.