Harapin na natin ang katotohanan. Ang mga live-action anime adaptations ay hit-or-miss para sa mga Hollywood producers.

Nariyan ang Alita: Battle Angel na may swabeng CGI na binigyang hustisya ang orihinal na istorya, ngunit andyan din ang Dragonball Evolution tampok ang Candian na Goku na nagpangiwi sa maraming fans.

Pero paano kung gagampananan ng mga paborito nating karakter ang kanilang sarili sa totoong buhay?


Ang stop motion anime na ito ay mukhang live-action anime ni Goku ng Dragon Ball Z

Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Inilabas kamakailan ng Youtube animation channel na Animist ang isang eight-second stop motion clip ni Goku na nag-eensayo ng martial arts kasama ang iba pang pamilyar na mukha mula sa Dragon Ball Z.

Ang clip na ito na in-animate ni Misaki Yamanaka at in-edit ni Rio Kasubuchi, ay pasok sa panlasa ng mga manonood dahil nagawa nilang gawing buhay na buhay ang ordinaryong plastic figurine na may moving body parts.

Habang lumulundag si Goku na nakangiti, hindi maaalis sa sinumang shonen fan ang tanong kung bakit hindi ito gawin sa isang regular episode ng Dragon Ball Z.

Kahit pa napakalinis tignan ang final product tampok si Goku sa kaniyang iconic na uniform, napakahaba ng prosesong pinagdaanan ng mga tao sa likod ng walong segundong animation.


Paano nagawa ng Animist na gawing buhay na buhay si Goku

Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Bilang ito ay single-take sequence, mahalagang pare-pareho ang hitsura ni Goku sa bawat frame. Banggit ni Misaki Yamanaka na hindi niya pinuwersang galawin ang Goku figure dahil maliit lamang ang range of motion na kayang ibigay ng mga joints ng plastic figure. Ang mga maliliit na detayle tulad na lamang ng manggas at sinturon ni Goku ay maaari ring putulin ang continuity ng clip kung hindi bibigyan ng atensyon.

Matapos ang ilang test runs sa pag-handle ng karakter, ginamit ng animator ang kaniyang stop-motion stand at sinubukang i-galaw si Goku sa maraming frames. Bukod dito, tinangka din ng animator na subukan ang iba’t-ibang hand at face variations para mas gawing buhay na buhay ang clip.

Noong ito naman ay in-eedit, frame-by-frame ang atakeng ginawa ni Rio KAsubuchi sa Adobe After Effects kung saan minanipula niya ang surroundings at ang nasabing stop motion stand.

Ang latest animation na ito ng Animist ay ilang segundo lamang ang haba ngunit malaking hakbang ito tungo sa paggawa ng mga live-action anime adaptations hango sa ganitong teknik.

Panoorin ang full clip ng stop motion animation at kung paano ito nagawa dito:

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para mga ganitong uri ng lathalain.

BASAHIN: Top 5 anime ni Lusty na dapat mo ring panoorin