Sa unang 2022 livestream episode ng Xplay ng G4TV, isang digital network para sa gamers sa Amerika, nagpakita ng matinding pasyon ang dating League of Legends European Championship (LEC) shoucaster na si Indiana “Froskurinn” Black tungkol sa sexism na nararanasan ng mga kababaihan sa gaming.
Matapos mag-shoutcast sa Worlds 2020, umalis sa League of Legends esports scene si Froskurinn para sumali sa G4TV noong 2021 bilang isang host para sa kanilang Xplay Live show. Sinalihan siya ng dating LCS host at content creator na si Ovilee May.
Ang speech ni Froskurinn tungkol sa mga kababaihang nakakaranas ng sexism sa gaming
Sinimulan ni Froskurinn ang kaniyang speech sa pagsabi na “ecstatic” siya para sumali sa G4TV noong 2021 dahil lumaki siyang nanonood sa network simula bata pa lamang.
“But every time G4 is brought up on various channels, without a doubt, there will be backlash because I’m not as ‘bangable’ as the previous host,” sabi niya.
“It has somehow been expected that you can talk about how much you jerked off to women as a compliment,”dagdag ni Froskurinn. “It’s not a compliment! It’s dehumanizing.”
Ibinahagi niya ang kaniyang personal experience sa Xplay Live, at sinabing napansin niyang nababash siya sa chat kapag binabasa niya ang second half ng script nila ng kaniyang co-host na si Adam Sessler, dahil lang siya ay isang babae.
“Women do not exist to be nice on the eyes for you. That’s just obvious sexism. You don’t need to explicitly objectify women or declare that you hate women to be sexist,” sabi ni Froskurinn.
Idiniin rin niya na ang Xplay Live ay isang show na sinulat at pinroduce ng isang team, at kalahati dito ay kababaihan.
“You’re letting your unconscious biases ruin my day and you’re gatekeeping the gaming space. So maybe for 2022, we’ll be a bit nicer, a bit more self-reflective, and we enjoy the fact that people are working hard to make free content for you. If you don’t like it, don’t watch it. Peace,” Froskurinn concluded.
Isang LGBTQ+ adovate, maingay sa social media si Froskurinn tungko sa mga iba’t-ibang cultural at social issues na nangyayari sa gaming community.
Panoorin ang clip ni Froskurinn sa opisyal na G4TV Twitter account dito.