Nakipagsanib-pwersa ang gaming chair company na Secretlab sa licensing company na Funimation para makapaglabas ng custom-designed Attack on Titan gaming chair na inspired ng Scout Regiment–ang front-line military unit na naatasang iligtas ang mga tao mula sa mga Titan.

Kapana-panabik ang mga kaganapan sa Attack on Titan matapos i-release ang Season 4 Part 2. Ginulat ng anime series ni Hajime Isayama ang mundo sa pamamagitan ng mga interesanteng karakter nito tulad nila Eren Yaeger, Mikasa Ackerman at Armin Arlert na nakapaloob sa isang dystopian world kung saan nilalabanan nila ang mga higanteng humanoid na tinatawag na Titan.


Ang Attack on Titan gaming chair ng Secretlab ay hinugot mula sa uniform ng Scout Regiment

Attack on Titan gaming chair ng Secretlab
Credit: Secretlab, Kodansha

Ang Attack on Titan gaming chair ng Secretlab ang unang pagpasok ng kompanya sa mundo ng anime. Dinadala ng Scout Regiment-inspired design nito ang mga fans pabalik sa simula ng serye kung saan kitang-kita ang katatagan at optimismo ng mga tao sa harap ng matitinding pagsubok.

Tinatampok ng Attack on Titan gaming chair ng Secretlab ang harness strap detailing na pwedeng iugnay sa 3D Maneuver Gear (3DMG) na ginagamit ng mga tauhan para iwasan at patayin ang mga Titan. Pero ang highlight talaga ng upuan ay ang signature Wings of Freedom insignia ng Scout Regiment na naka-embroider sa harap at likod nito.

Ang likod ng upuan ay mayroong dark military green na leatherette bilang simbolo ng hooded cape na sinusuot ng Scout Regiment sa kanilang paglalakbay sa labas ng Walls.

At para tulungan kang linisin ang Attack on Titan gaming chair ng Secretlab, may kasama itong free pack ng leather wipes na inspired ni Captain Levi mula sa kanyang iconic na cleaning scene sa serye.

Credit: Secretlab, Kodansha

“In my opinion, Attack on Titan is not just up there for the best anime of all time, but also for the best series of all time,” wika ni Secretlab co-founder at CEO Ian Ang.

“We’ll undoubtedly feel a sense of bittersweet loss when the series comes to an end. We’ve decided to commemorate the final season by designing an Attack on Titan special edition chair as memorabilia for hardcore fans who will remember all the epic moments and feelings Attack on Titan has given us through the years.”


Presyo at release date ng Attack on Titan gaming chair ng Secretlab

Credit: Secretlab, Kodansha

May tatlong size ang Attack on Titan gaming chair ng Secretlab at pwede nang mag-pre-order sa presyong US$519 (nasa P26.6K) para sa size S. Ang unang batch ng orders ay inaasahang dumating sa ika-19 ng Mayo.

VARIANTPRICE
TITAN Evo 2022 SmallUS$519
TITAN Evo 2022 RegularUS$519
TITAN Evo 2022 XLUS$569

Available ang Attack on Titan gaming chair ng Secretlab sa US, UK, EU at Canada.


Salin ito ng artikulo ni Kristine Tuting ng ONE Esports.