Ito ay isinalin hango sa orihinal na English article ni Kristine Tuting.
It’s official—tapos na ang mga araw ng pag-co-cosplay ko.
Pero ‘wag kayong magkakamali—ito ay isang napakasayang libangan. Isipin mo na tinatawag ka sa pangalan ng paborito mong character sa isang convention, habang nakabihis at gumagalaw na parang isang fictional na tao, at nakakakilala ka ng mga bagong kaibigan na parte ng parehas na fandom – ito ay parang isang natupad na panaginip!
Natuwa ako nang makita ko ang paglago ng cosplay mula sa isang niche hobby at naging isang sikat na past-time na tanggap ng mga anime at pop culture fans, streamers, content creators at mga gamers sa buong mundo. Ngunit sa kaniyang paglaki, may mga aspeto ng libangan na ito na nakikita kong hindi ko na nagugustuhan.
Bihira ko lang makita ito banggitin, pero sa tingin ko, oras na para ito ay pagusapan.
Passion vs. Pagiging Praktikal
Nag-simula ako mag cosplay noong taong 2011, mga ilang buwan lang matapos ako dalhin ng kapatid ko sa aking pinaka-unang anime convention. Naalala ko pa na punong-puno yung venue floor ng mga Japanese-themed food booths, mga merchandise stalls at isang maliit na stage para sa mga intermission numbers at contests. Ang pinaka-nagustuhan ko doon ay ang mga cosplayers na suot-suot ang kanilang makulay na costumes habang pumo-posing. Ito yung moment na naisip kong gusto ko maging isang cosplayer habangbuhay.
Di tulad ng mga cosplayers na nakita ko sa convention, ang aking pinaka-unang cosplay ay hindi magara. Simple lang siya – ‘yung wardrobe ko ay isang red jogging pants at isang plain white shirt lamang sa kagustuhan kong gayahin si Nakahara Sunako sa The Wallflower na anime. Pero noong panahon na ito studyante lang ako na wala masyadong budget.
Sa pangalawang cosplay ko naman, mas nag-ambisyon ako sa aking pag-co-cosplay kay Akiyama Mio galing sa K-ON!. Sumali ako sa isang academic cosplay competition para kumita ng pera at makabili ng mga materials at magpagawa ng matinong costume. Ito ay ang panahon na ako ay nagsimulang matuto sa mga gawain sa cosplay dito sa Pilipinas – ang pag-re-rent ng full-set costume, ang paggawa ng props, at ang pag-commission ng mga mananahi. Ito ay isang bagong mundo, at hindi ako handa sa pam-pinansyal.
Fast-forward sa senior days ko noong ako na ay ga-graduate at makakuha ng aking university degree. Ito ang mga pinaka-active na taon ko bilang isang cosplayer, lalong-lalo na’t nagkaroon ako ng oras at pera. Ngunit noong ako ay papasok na sa “real world”, ako ay nagdalawang-isip sa libangan kong napaka-gastos.
Worth it pa ba? Magkano na kaya ang nagastos ko sa mga costumes sa mga nakalipas na taon? Magkano kaya ang naipon ko kung alam ko lang kung paano magtahi ng sarili kong costumes? Pero ang tanong ay, magkano kaya ang maiipon ko kung huminto muna ako sa pag-co-cosplay? Ang pinansyal na bigat ng pag-co-cosplay ay nasimula ko nang maramdaman.
Ang aking kapwa writer at colleague na si Mika ay nagkaroon rin ng parehas na saloobin sa nakalipas na dalawang taon. Sinubukan niyang timbangin ang lumolobong presyo ng libangan na ito sa kaniyang mga priorities bilang isang independent at young adult.
“Cosplay made me believe dreams were within reach, and today, those dreams are within my grasp. That’s where my energy has been going, and unfortunately, there’s little left for cosplay. My love for the hobby hasn’t changed BUT you can’t say I haven’t. Priorities change, you change, life changes. That’s just the way it goes and that’s not a bad thing at all,” ani ni Mika.
Bigla akong namulat sa katotohanan na napakagastos mag-cosplay kung ikaw ay hindi resourceful at walang oras para maghanap o gumawa ng sarili mong props at costumes. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na ang pag-co-cosplay ay hindi lang isang libangan, ngunit ito rin ay isang karugtong ng aking pagmamahal para sa isang partikular na character o series, at ito ay isang bagay na ikinatutuwa ko talagang gawin sa free time ko. Pero mukhang ang Kristine noon ay wala na ngayon, at nasama na dito ang kaniyang paniniwala na gusto niya maging cosplayer habangbuhay.
Ang pagsakop ng mga influencers
Noon una palang sumikat ang pag-co-cosplay, ito ay nagkaroon ng masamang imahe dahil ito ay iniisip na parte ng otaku culture sa Japan – isang paksa na hindi gusto ng mga karamihan na hindi mahilig sa anime. Noong early 2010s, nakita ko na marami akong kaibigan na nilalait sa mga conventions lalong-lalo na kapag sila ay nasa labas ng event halls kung saan tumatambay ang mga mall-goers.
Ngayon, ang pag-co-cosplay ay tanggap na ng masa, ngunit ito pa rin ay nag-iiwan ng masamang impression sa iba dahil sa isa pang issue.
Bakit nga ba nag-co-cosplay ang tao? Para sa iba, ito ay upang maipakita nila sa buong mundo ang kanilang paghanga para sa isang character. Para naman sa iba, ito ay isang paraan para makakilala sila ng mga bagong kaibigan sa loob ng parehas na fandom, ngunit para sa iba naman, ito ay isang daan para makamit nila ang kanilang pangarap maging isang sikat na model at influencer.
Dahil may layunin ang mga ibang cosplayers na sumikat, ang pag-co-cosplay ngayon ay para ng isang kompetisyon tulad ng America’s Next Top Model kung saan kailangan mo magkaroon ng pinakamagandang litrato para sa iyong “cosplay” portfolio. Sa puntong ito, ang pag-co-cosplay ay naging paraan para makuha ang atensyon ng mga tao, hindi sa character pero sa cosplayer. At ano ang pinakamabilis na paraan para makakuha ng likes at follows? Malalaswang litrato.
Ngayon, ang pag-co-cosplay ay hindi na para sa mga tinatawag na “geeks.” Ito na ay isang daan para sumikat. Sa kasamaang palad, ang iba ay gagawin ang lahat para maging isang model, kahit na ang ibig sabihin nito ay ang pag-iwan ng negatibong imahe sa cosplay community.
Ang pag-co-cosplay ay hindi na para sa lahat
Oo, sa pag-angat ng mga cosplayer-models, nagsilabasan na rin ang mga totoong fashion models at kahit mga booth babes. Hindi ko naman sinasabing hindi sila pwedeng sumali, dahil kahit sino naman ay pwedeng mag-cosplay.
Subalit sa pag-co-cosplay ng mga models ng mga characters na hindi naman nila kilala, nabuksan ang aking mga mata sa katotohanan na magiging mabait sa iyo ang mundo ng cosplay kung ikaw ay maganda o gwapo. Oo, kahit sino ay pwedeng mag-cosplay, pero napakalaking advantage kung ikaw ay may perpektong katawan at isang maganda o gwapong mukha para magaya ang isang character.
Napapaisip tuloy ako sa mga issues na nakapaloob sa cosplay community, kung saan ang mga cosplayers na itinuturing na “mataba” o “maitim” ay nilalait o body-shamed ng mga non-cosplayers, at minsan, kahit ng mga cosplayers mismo.
Kung hahanapin mo ang hashtag na #28daysofblackcosplay sa social media ngayon, marami kang makikitang storya at saloobin ng mga “maiitim” at kahit mga plus-sized na cosplayers na hindi pinapakita at pinapahalagahan. Ang cosplay community ay itinalaga ang buong buwan ng Pebrero para tapusin ang stigma at stereotypes tungkol sa body at skin-shaming.
Palagi natin ito sinasabi, ngunit totoo nga ba na kahit sino ay pwedeng mag-cosplay?
Ang kinabukasan ng cosplay ay puwedeng mapuno ng legal issues
Noong nakaraang buwan, nag-report ang Japanese government na may pwedeng baguhin ang buong cosplay industry, lalong-lalo na sa kanilang bansa.
Ang gobyerno ng Japan ay may planong magpataw ng major copyright law sa mga tao na kumikita sa cosplaying. Kumbaga kung ikaw ay isang professional Japanese cosplayer na nagbebenta ng mga prints o kinukuha para sa mga events, maaring ikaw ay magbayad sa gobyerno para bigyan ka nila ng pahintulot gamitin ang mga characters na ito. Aaralin pa ng gobyerno ang mga copyright rules na ito sa Marso. Ang mga creators at cosplayers, kasama na ang pinaka-sikat na cosplayer sa Japan na si Enako ay kasangkot sa framework process at nagbigay ng kanilang panig sa issue na ito.
Dahil sa maaring copyright problems na ito, ang kalayaan ng pag-cosplay ay nanganganib. Bilang myembro ng cosplay community, hindi ko ma-imagine ang isang mundo na kailangan mo pa gawin ang lahat ng paperwork na ito at magbayad ng mga fees at sumunod sa mga batas na ito para sa libangan na dapat hinahayaan ka maging malaya at malikhain. Sa mga salita ni Carla “FoxRots” Vergara, ang cosplay ay isang aspeto ng buhay kung saan pwede ka maging malaya.
Ngunit ang mga bagong rules na ito ay maari ring gumawa ng boundaries at maresolba ang matagal na debate kung ang pag-cosplay ay isang uri ng copyright infringement dahil sa pagbihis tulad ng mga characters ng walang permiso ng mga publishers.