Nakarinig ka na ba ng mga players na gumagamit ng tape measures sa esports tournaments?

Imagine mo na ikaw ay nanonood ng isang esports match. Lahat ng tao sa screen ay naghahanda na para makipagbakbakan, at bigla nalang maglalabas ng isang ruler ang isang player at sinimulang magsukat ng distansya ng kaniyang mukha sa monitor. Wait, ano daw?

Sa buong history ng esports, nakita natin ang iilang kapansin-pansin na players na gumagamit ng mga pangsukat tulad ng rulers at measuring tapes para kuwentahin ang kanilang professional setup bago ang isang importanteng match.

Ito ang lima sa mga di malilimutang players at ang kanilang mga tape measures:

5. Ang pre-game League of Legends na ritwal ni Ceros ng FocusMe Detonation

Credit: Yoshida Kyohei

Kung ikaw ay isang fan ng League of Legends Japan League (LJL), pamilyar ka sa mid laner ng Detonation FocusMe na si Yoshida “Ceros” Kyohei, na kilala sa kaniyang ritwal na pagsukat ng kaniyang setup.

Screenshot ni Kristine Tuting/ ONE Esports

Gumagamit ng isang dilaw na foldable na carpetner’s ruler si Ceros, at nakita ito sa match niya laban sa Cloud9 sa Play-In Groups of the LoL Worlds 2018.

4. Si Evi ng Detonation FocusMe at ang kaniyang ruler sa MSI 2021 

Screenshot ni Kristine Tuting/ ONE Esports

Isa pang myembro ng Detonation FocusMe, ang top laner na si Murase “Evi” Shunsuke ay sumusunod sa mga turo ng kaniyang senpai (senior) na si Ceros sa pamamagitang ng pagayos ng kaniyang professional setup bago ang simula ng isang serye.

Nakita natin si Evi at ang kaniyang ruler in action noong nakaraang Mid-Season Invitational (MSI) 2021. Ang distansya ng keyboard edge mula sa monitor screen ay 35 centimeters at ito ay nakita sa MSI setup ni Evi ng DFM. Gumagamit rin siya ng parehas na uri ng ruler kay Ceros.

 
3. Ang setup ni Gamsu sa Overwatch League 

Credit: Overwatch League

Dating Overwatch League player na si Young-jin “Gamsu” Noh ay mas detalyado sa kaniyang setup, nakikita na sinusukat pa niya ang distansya ng keyboard at monitor mula sa mga edge ng mesa.

Credit: Overwatch League

Gumagamit ng standard steel tape measure si Gamsu at ginagamit niya ito bago magsimula ang kaniyang mga Overwatch League matches.

2. Si Flash ng Starcraft II at ang kaniyang pinagkakatiwalaang ruler 

Credit: Starcraft II ProLeague

Isa sa mga pinakanaunang esports players na binigyan pansin ang ergonomics ng kanilang setup ay si Lee “Flash” Young Ho, isang Korean Starcraft II player.

Kilala si Flash sa kaniyang paggamit ng isang simpleng, clear school ruler para mag-angle ng kaniyang keyboard sa tamang degree para mapanatili ang isang perpektong distansya ng kaniyang mukha sa monitor.

Ito ang isang three-dimensional simulation ng setup ni Flash ayon sa Reddit user na si u/vorxaw. 

Credit: u/vorxaw

Ang ruler ni Flash ay parte na ng display sa Sangam-dong Hall of Fame sa Seoul, Korea, kung saan ang nickname niya na “the God of Starcraft II” ay nakapaskil.

1. Pinamumunuan ng tape measure ni Tokido ang Street Fighter V 

Credit: TWFighter Street Fighter V Major

Nakita na natin ang tape measure ni Taniguchi “Tokido” Hajime nang ilang beses na, hindi lang sa kaniyang mga Street Fighter tournaments ngunit pati na rin sa labas nito.

Nakita pa nga si Tokido na ginagamit ang kaniyang sikat na tape measure sa kasal ng kaniyang kapwa pro player na si Tatsuya “Haitani” Haitani.

Screenshot ni Kristine Tuting/ ONE Esports

Dahil tungkol sa measurements ang buhay niya, ang tape measures ni Tokido ang naging sentro ng isang skit sa SFV Invitational 2018, kung saan ang Japanese player ay ipinakitang sinusukat ang lahat mula sa Cheez-It crackers patungong water bottles.

Ang dati niyang organisasyon, ang Echo Fox, ay gumawa pa ng espesyal na Tokido tape measures at ipinamigay ito sa 25 na swerteng fans.

Credit: Echo Fox

Bakit gumagamit ng tape measures ang mga esports players? 

Ang ibang esports players ay gumagamit ng tape measures para ma-optimize ang kanilang setup at playing environment para makasigurong magkakaroon sila ng accurate layout.

Sinusubukan ng mga players na maging consistent at pare-parehas ang mga setups na ito sa kanilang setup sa bahay, or sa mga setups na ginagamit nila sa mga ensayo at scrims, at para magawa ito, umaasa sila sa mga measurements.

“We could debate whether or not this is actually effective in terms of recreating that environment,” sabi ng shoutcaster na si Christopher “Montecristo” Mykles. “I think psychologically it’s a ritual to get yourself in the mode to play, and at the very least I think it can work.”

Ang mainam na PC setup ay iba para sa bawat player – mula pa sa taas ng kanilang monitor, ang placement ng kanilang keyboard, pati na rin ang distansya ng kanilang mga mukha sa monitor. Ang importante ay ang mga esports athletes na ito ay komportable sa kanilang setup para makipaglaban, kahit pa ito ay sa pamamagitan ng mga tape measurements o iba pang mga ritwal.