May sandstorm na sa Call of Duty Mobile Season 4: Wild Dogs, at ang mga elemento ang magiging kalaban mo dito.  

Wild Dogs Battle Pass 

CODM Season 4 Wild Dogs Battle Pass
Credit: Activision

Naghatid ng panibagong Battle Pass ang CoDM Season 4 Wild Dogs na may mga libre at premium items tulad ng mga bagong Operators, isang bagong baril, Weapon Blueprints, Calling Cards, Charms, COD Points at iba pa. Ma-uunlock mo ang bagong Koshka functional weapon sa Tier 21, isa itong malakas na bolt-action sniper.  

Para naman sa mga Operator skins, makukuha mo ang mga astig na Operators tulad nin Farah – Desert Sentinel, Ghost – Apparition, Roze – Sand Dunes at Roach.  

Bagong Mutliplayer modes at mapa 

CODM Season 4 Wild Dogs
Credit: Activision

Maghanda para sa isng 12v12 battle sa mga bagong mapa, Satellite at Aniyah Incursion, kung saan gagamit ka ng mga sasakyan at mga iilang capture points na kailangan kunin ng team mo para makatanggap ng points. Gumamit ng motorcycle, antelope, ATV, at tank para makipagbakbakan sa Wild Dogs season. 

Kasabay ng bagong mode na ito ay ang bagong mapa na Satellite at Khandor Hideout. Ang Satellite ay nasa Central African Desert ng Angola, habang ang Khandor Hideout ay isang urban neighborhood na may central lab sa desyerto. 

Para naman sa mga Battle Royale mains ng CoDM, may mga susulpot na mga sandstorms sa mapa, kung saan kailangan harapin ng mga players ang mga elemento para mabuhay. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa mga updates tungkol sa CoDM.