Kung naghahanap ka ng paraan para makakuha ng silent kills, ito na ang sagot. Ipinapakilala sa Season 7 ng Call of Duty: Mobile ang Crossbow.
Ang Crossbow ang pinakabagong weapon sa Call of Duty: Mobile na maaari mong ilagay sa iyong secondary weapon slot.
Weapon attributes ng CODM Crossbow
Tulad ng maraming entries sa Call of Duty franchise, ang Crossbow ang mas tahimik na option sa mga AR at SMG firefights.
Asahan na mas malakas ang damage ng secondary weapon na ito sa bawat bolt shot, pero tandaan na mas mabagal ang fire rate nito.
May iba’t ibang customizations din ang Crossbow depende sa playstyle mo, kasama na dito ang explosive at Gas Grenade bolts.
Narito ang weapon attribuites ng CODM Crossbow:
WEAPON ATTRIBUTE | VALUE |
Damage | 80 |
Accuracy | 48 |
Range | 66 |
Fire rate | 26 |
Mobility | 93 |
Control | 38 |
Paano i-unlock ang CODM Crossbow sa Season 7
Para makuha ng libre ang weapon na ito, kailangang makumpleto ang Target Practice Seasonal Challenge, na makikita sa Season 7 Events Tab.
Narito ang pagkakasunod-sunod ng mga challenges na kailangang gawin upang makuha ang CODM Crossbow:
ORDER | TARGET PRACTICE CHALLENGE | REWARD |
1 | Use the Sparrow Operator Skill 5 times in Multiplayer matches | 200 Credits, 1,000 Battle Pass XP |
2 | Kill 5 enemies with the Sparrow Operator Skill in Multiplayer matches | 15 Weapon XP Cards, 1,000 Battle Pass XP |
3 | Earn the One Shot, One Kill medal 5 times in Multiplayer matches | MW11 – Scarab camo, 2,000 Battle Pass XP |
4 | Kill 15 enemies with pistols in any mode | Striker – Scarab camo, 3,000 Battle Pass XP |
5 | Kill 15 enemies with any shotgun in any mode | The Big Guns spray, 3,000 Battle Pass XP |
6 | Kill 25 enemies with any shotgun equipped with 5 attachments | Fennec – Colorweave camo, 4,000 Battle Pass XP |
7 | Win 5 Multiplayer matches with the Toughness perk equipped | Crossbow, 5,000 Battle Pass XP |
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Call of Duty: Mobile Season 7, maaaring tignan ang official blog post o ang orihinal na akda.