Ang BAS-P SMG ay isang abgong SMG na idinagdag sa Warzone 2.0 at Modern Warfare 2 nitong Season 1, isa sa apat na mga bagong weapons sa game.

Ito ang base weapon sa Bruen Ops weapons platform, pareho nito ng platform ang bagong M13B at Chimera assault rifles.

Meron itong aggressive fire rate at deep modularity, pwede rin ang extensive na customization sa BAS-P. Ang subsonic ammo nito ay nagtatago rin ng kill skulls mula sa kalabang team.

Narito ang paraan kung paano ma-unlock ang BAS-P nang libre sa Season 1.

I-unlock ang BAS-P SMG nang libre sa Warzone 2.0 at Modern Warfare 2 Season 1 battle pass

Modern Warfare 2 Warzone 2.0 Season 1 Battle Pass Unlock BAS-P MSG
Screenshot by Koh Wanzi/ONE Esports

Ang BAS-P SMG ay isang libreng High Value Target (HVT) reward sa Sector A6 ng Season 1 battle pass.

Maaari mong ma-unlock ang Sector A6 sa pamamagitan ng pag-unlock ng kahit ano sa mga katabi nitong sectors, kabilang ang A3, A5, at A10. Gayunpaman, ang pianakamabilis na daan ay sa mga Sectors A1 at A3.

Kakailanganin mo ng hindi bababa sa 15 Battle Token Tier Skips, na maaaring makuha sa simpleng paglalaro lang ng game.

Kung kaya’t isa ito sa mga pinakaunang maaaring ma-unlock na weapons sa Season 1. Sa fire rate nitong 870 rounds per minute, na mababa lang ng konti kaysa PDSW 528, mukhang magiging competitive talaga ang bagong SMG.

Kung hindi mo nakuha ang SMG sa battle pass, huwag kang mag-alala. Magiging available pa rin ito sa pamamagitan ng isang in-game challenge sa susunod na season.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.