Nasa bagong season na naman ang Call of Duty Mobile, ang Train to Nowhere, kaya ang ibig sabihin nito ay magkakaroon na naman ng mga panibagong mapa, mga bagong baril, events at iba pa.
Tignan natin kung ano ang mga inihatid ng Activision para sa mga mobile gamers ng kanilang sikat na FPS.
Call of Duty Mobile Season 8 – Train to Nowhere
Siyempre, sa bawat bagong season, may panibago ring battle pass. Ang nasa loob ng battle pass na ito ay ang bagong libreng ZRG 20mm bolt-action Sniper Rifle na maaring ma-unlock sa Tier 21.
Mayroon ding panibagong class sa Battle Royale mode, ang Igniter, na maaring ma-unlock sa Tier 14.
Tiyak na sulit ang battle pass sa Train to Nowhere dahil sa mga iiba’t-ibang camos, Weapon Blueprints, at Calling Cards na makukuha mo.
Bagong Multiplayer Map at Perk
Kung ikaw ay Multiplayer main, tiyak na magugustuhan mo ang isang panibagong pagsubok sa anyo ng isang bagong mapa—ang Express.
Makipagbakbakan sa loob ng isang tren at tumalon sa mga marami nitong platforms para manalo laban sa kalaban.
Subukan rin ang bagong Perk, ang Spycraft. Maari mong ma-hack ang mga enemy items tulad ng Trophy Sytem, Trip Mine, SAM Turret, Sentry Gun, Transform Shield at Munitions Box at magamit para sa sarili mo. Maaring makuha ang Perk na ito sa Seasonal Challenge.
Bagong Battle Royale Class: Igniter
Siyempre hindi magpapahuli ang mga Battle Royale mains diyan, dahil maari na nilang subukan ang bagong class na ang tawag ay Igniter.
Maari kang maglapag ng mga trap na makakasunog at mapapabagal ang mga kalaban na papasok sa ring of fire mo. Ilang segundo ito mananatili at sakto ito para mapigilan ang mga kalaban na pumasok sa lokasyon na gusto mong I-block.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Call of Duty Mobile Season 8 – Train to Nowhere.