Inilabas ng Modern Warfare 2 Season 1 Reloaded ang kauna-unahang Call of Duty Raid, na tinawag na Atomgrad.
Ang three-person cooperative mode ay nagsisimula sa kung saan nagtapos ang campaign, kung saan isasalang ang mga players laban sa mga kalabang AI at mga puzzles na talaga namang pag-iisipin ang lahat.
Ito ang una sa limang episodes, at may bagong episode na darating sa bawat bagong season. Maraming rewards na naghihintay para sa mga players na kukumpleto ng Episode 1, kabilang na ang isang bagong Operator.
Narito ang listahan ng lahat nang rewards sa Atomgrad Raid at kung paano makuha ang mga ito.
Lahat nang Modern Warfare 2 Atomgrad Raid rewards
Makakatanggap ka ng Gaz Convoy Operator skin sa unang beses na makumpleto mo ang Raid, bukod pa sa pitong randiomized rewards.
Walang paraan para idikta kung aling rewards ang matatanggap, kung kaya’t kinakailangan mong kumpletuhin ang Raid nang pitong beses upang makuha ang lahat nang rewards.
Dalawang bonus rewards, kabilang ang The Punchline weapon blueprint at Gaz Grass Ops skin, ay makukuha lamang pag may ginawa kang mga particular na bagay gaya ng pagkumpleto sa Raid sa Veteran difficulty at pagbili ng Raid bundle.
Maa-unlock ang Veteran mode matapos ang unang beses ng pagkumpleto sa Raid.
REWARD | PAANO MAKUHA |
Gaz Convoy Operator skin | Kumpletuhin ang Raid nang isang beses |
Graphic Price loading screen | Random drop sa pagkumpleto ng Raid |
Graphic Gaz loading screen | Random drop sa pagkumpleto ng Raid |
Eye on the Prize emblem | Random drop sa pagkumpleto ng Raid |
Gaz Emblem | Random drop sa pagkumpleto ng Raid |
Forest Price player card | Random drop sa pagkumpleto ng Raid |
Gaz’s Gaze player card | Random drop sa pagkumpleto ng Raid |
Enforcer Kastov 762 weapon blueprint | Random drop sa pagkumpleto ng Raid |
The Punchline Bryson 800 weapon blueprint | Kumpletuhin ang Raid sa Veteran difficulty |
Gaz Grass Ops Operator skin | Bilhin ang Raid bundle at kumpletuhin ang Raid |
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.