Kasalukuyang may 7 points na ang Pinoy pro Call of Duty Mobile team na Omega Esports sa Group A stage ng CODM World Championship 2021 – Garena matapos talunin ang Rimo Sadewa ng Indonesia noong Oct. 10.

Nasungkit ng Omega and Hardpoint at Search and Destroy rounds sa kanilang match laban ang Indonesian team.

Omega Esports vs. Rimo Sadewa match results 

Hardpoint Round, SCORE: 150 (Omega Esports) – 92 (Rimo Sadewa) 

Omega Esports vs Rimo Sadewa, Hardpoint Round
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports

Nakuha nang maaga ng Rimo Sadewa ang unang hardpoint sa mapang Summit, ngunit pagpatak sa kanilang pang-16 na punto ay nanakaw ito ng Omega.

Mainit ang labanan sa pangalawang hardpoint, ngunit hindi ito pinayagan ni Crush gamit ang kaniyang KRM-262.

Apak matatag ang mga OBJ ng Omega dahil tuluyan na nilang na-hold ang hardpoint para magkaroon ng 20-point lead laban ang Rimo Sadewa. 

Halimaw din si Woopiiee sa kaniyang Equalizer at hindi na pinayagang makatapak ang Rimo Sadewa sa huling hardpoint.

Nanaig si iDra bilang MVP ng round na ito sa kaniyang 21/22/12 KDA.

Search and Destroy Round, SCORE: 6 (Omega Esports) – 4 (Rimo Sadewa)

Omega Esports vs Rimo Sadewa, SND Round
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports

Sobrang gitgitan ang laban sa SND round dahil nagbabaiwan lamang ang dalawang teams ng puntos.

Mabangis din ang sniper ng Rimo Sadewa na si Trixterz, matapos niyang ma-wallbang ang sniper ng Omega na si Woopiiee sa round 4.

Tila muntikan nang makahabol ang Rimo Sadewa sa match point dahil napatay niya ang mga kalaban sa Omega, ngunit naging huli na ang lahat dahil na-defuse na ng Pinoy team ang bomba para makuha ang panalo sa SND round.

Lumitaw na naman si iDra bilang MVP sa round na ito sa kaniyang 13 kills.

Domination Round, SCORE: 150 (Rimo Sadewa) – 141 (Omega Esports) 

Omega Esports vs Rimo Sadewa, Domination Round
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports

Binawian naman ng Rimo Sadewa ang mga tropang Pinoy sa round na ito, kahit na nakuha ng Omega ang lead sa unang segundo ng match. 

Ngunit desidido ang mga Indonesians makuha ang round na ito dahil sinigurado nilang kunin ang mga points sa mapa ng Firing Range, at nakakuha pa ito ng triple capture.

Lumaki ang lamang ng Rimo Sadewa, at kung kelan akala mo’y makakahabol pa ng Omega, pumatak na ang punto ng mga Indonesia sa 150 at nakuha nila ang round na ito.

Si A1MERR ang naging MVP sa Domination round sa kaniyang 24/21/8 KDA.

Panoorin ang live broadcast ng Call of Duty Mobile World Championship 2021 – Garena sa kanilang opisyal na Facebook page

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa mga updates tungkol sa CoD.