Magsama-sama, mga Warzone players at James Bond fans!
Sa kanilang kolaborasyon sa panibagong 007 na pelikula, ang “No Time To Die”, dumating sa Warzone ang Nuke Squad ng Faze Clan na may suot-suot na debonair suits.
Para mas lalong makuha ang istilo ng isang secret agent, gumawa ang streamer group ng isang tahimik ngunit nakakamtay na weapon loadout para sa Verdansk.
Mga detalye ng James Bond Skykov loadout ng Nuke Squad sa Call of Duty Warzone
Gusto ng streamer na si Kris “Swagg” Lamberson na gawing primary weapon ang MG 82 LMG kasama ang Desert Eagle, ngunit naramdaman ng grupo na masyado itong bullet-heavy para sa spy icon.
Sinuggest naman ni Ean “Booya” Chase na maglagay ng isang long-range rifle tulad ng Kar98k o Swiss K31 bilang primary weapon, habang nirekomenda naman ni Jordan “JSmooth” Cox ang Skykov pistol dahil kamukha ito ng pistol ni James Bond sa pelikula.
Dahil isang maliksing espionage star si James Bond sa film franchise, gumamit ang streamer group ng mga stealth at mobility perks tulad ng Amped, Ghost, Double Time, at Sleight of Hand.
Na-equip ang Sleight of Hand sa unique perk slot ng Skykov pistol.
Para naman sa kanilang lethal at tactical items, pinili ng mga boys ang Semtex at Heartbeat Sensor.
Nakita sa video na naging game-changer ang Sensor para sa kanila. Dahil wala silang totoong attacking power sa mid-range, ginamitan ng Nuke Squad ito ng Sensor, bumaril sa malayo, at tinapos ito gamit ang Skykov.
Ito ng mga detalye ng 007 Skykov loadout sa Call of Duty Warzone:
SLOT | ATTACHMENT |
Barrel | SSL 308mm |
Laser | 5mW Laser |
Trigger Action | Lightweight Single-Action |
Magazine | 20 Round Mags |
Perk | Sleight of Hand |
Tignan ang 007 aksyon ng Nuke Squad sa video dito:
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa Call of Duty Warzone.