Handa ka na ba maglaro na parang isang apex predator? 

Nakakuha ang YouTuber at Call of Duty Mobile ambassador na si HawksNest ng kaniyang sariling operator skin sa patok na mobile FPS. 

Ang HawksNest operator skin ay parte ng pinakabagong Creator Bundle campaign ng Call of Duty Mobile, at mayroon ding skin ang dalawa pang opisyal na ambassador ng laro, sina Ferg at Bobby Plays. 

Ano ang itsura ng HawksNest operator skin? 

Ginaya ng HawksNest operator skin ang itsura ng CODM content creator na may suot na puti at gray na leather jacket pati na rin isang camouflage na pantalon na mayroong tactical pouches. Tulad ng design ng kay Ferg, may hood rin ang operator skin na ito. 

Ibinanggit ni HawksNest sa kaniyang reveal video na kuhang-kuha ng mga character designers ang kaniyang mukha, at masaya siya na isinama nila ang kaniyang orihinal na logo sa likod ng kaniyang leather jacket. 

Ang AS VAL weapon skin na kasama nito ay nagbibigay pugay din sa YouTuber. Ang pangalan ng skin, “Reek Oil Repeater,” ay isang biro tungkol sa pagbanggit ni HawksNest ng salitang “recoil.” Makikita rin ang salitang ito sa magazine ng baril. 

Bagamat mukang may geometric camo pattern ang assault rifle, kinumpirma ni HawksNest na ito ay ang kaniyang design lamang na inulit-ulit sa buong baril. 

Paano ma-unlock ang HawksNest operator skin sa Call of Duty Mobile

Ang opisyal na HawksNest operator skin ay parte ng HawksNest Bundle at available na ito para bilhin sa in-game store sa halagang 980 CP. 

Iba pang mga bagay sa bundle kasama ang AS VAL weapon skin ay mga personalized items tulad ng emote, calling card, at equipment skins. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa COD.