Maraming cheating ang nararanasan ng mga Call of Duty Warzone players, at mukhang makakarma na ang mga hackers dahil sa panibagong Ricochet Anti-Cheat initiative.
Maraming clips ang lumabas sa social media kung saan hindi na-dadamage ng mga hackers ang mga players.
Na-nerf na ang mga hackers sa Call of Duty: Warzone Pacific dahil sa Ricochet Anti-Cheat
Nag-post ng isang clip ng kaniyang naranasan si Joseph “JoeWo” Wohala, isang streamer para sa NRG. Makikita na nagiging pula ang kaniyang screen dahil nakakatanggap siya ng malaking damage, ngunit hindi bumababa ang kaniyang health. Nahabol pa niya ang hacker at napatumba ito.
May clip pa mula sa point of view ng isang streamer na may naka-install na cheats. Nainis siya dahil hindi gumagana ang kaniyang aimbot, at umalis siya sa laro para “maayos” ito.
Kumbinse ang mga Warzone players na nagagawa ito ng Ricochet Anti-Cheat sa pamamagitan ng pagtingin sa player accuracy. Sinabi ng isang cheat provider na kinumpirma nila na ang rason ay isang “backend anti-chea change” kung saan mahahanap ang mga accounts na may “inhuman super accuracy,” ayon sa Charlie Intel.
Ngunit hindi ibig sabihin nito mawawala na ang mga hackers sa Warzone Pacific. Laging nagbabago ang mga cheats, at kailangan sumabay rin ang Ricochet Anti-Cheat dito para maunahan ang cheating.
Sa katunayan, mayroon nang mga clips kung saan ipinagyayabang ng mga hackers ang kanilang pag-bypass sa anti-cheat measures na ‘to.
Paano gumagana ang Ricochet Anti-Cheat?
Unang nilabas ito noong Oktubre bilang parte ng launch ng Call of Duty Vanguard. Mayroong bagong kernel-level driver sa PC ang Ricochet Anti-Cheat na nagbibigay ng malaking access sa monitor at applications sa system mo. Ito ang susi kung paano gumagana ang Ricochet, dahil makikita nito ang mga unauthorized na processes na umiiba sa Warzone.
Sa pagkukumpara sa mga anti-cheat software na mayroong user-level access lamang, limitado ito sa pag-access at monitor, kaya madaling malagpasan ito ng mga sopistikadong cheats.
Ang bagong server-side tools ay aktibong nag-momonitor ng in-game analytics ng player para mahanap ang mga hackers, kaya nakukumpirma ang teorya na pinapababaan ng Ricochet Anti-Cheat ang damage ng players na may napakataas na accuracy. Kaya kung mayroon kang aimbot at 100% accuracy, maaring ma-detect ito at ma-nerf ang damage output mo.