Nagsilabasan na ang mga artist-gamers sa Call of Duty Mobile matapos nilang gumawa ng sarili nilang disenyo ng mga kani-kanilang baril.
Eto ang iilan sa mga disenyo ng iba’t-ibang baril sa sikat na mobile FPS game.
Ang mga kakaibang gun designs na likha ng mga CODM players
1. DLQ – Ancient Destruction
Likha ni Tudtud Kiervenn, ang disenyo ng kaniyang sniper ay pinaghalong “out of this world technology,” mga ancient mummies na may disenyo ng mga dragon. Ang kill effect nito ay pinukaw sa kalawakan at black holes.
2. Fennec – Shiba Inu
Para sa artist na si Rodney Villamor, dinisenyo niya ang baril na ito na may disenyo ng shiba inu o isang uri ng aso, dahil wala pa siyang nakikitang mga baril na may disenyong ganoon. Napaka-kyut din ng kill effect nito; may lalabas na maliit na shiba inu at hahampasin ang ulo ng napatay ng player na may halong “boink” effect.
3. RUS-79U KOHAKU
Pinukaw ni Gizelle Velasco ang SMG na ito sa Spirited Away na pelikula. Tila papalibutan ng tubig ang taong napatay para sa kaniyang kill effect, at ang baril mismo ay nasa anyo ni Haku o ang dragon sa anime film na ito.
4. M13 – Lovesick
Labas, mga Blinks! Ang M13 na baril na ito ay inspirado sa kanta ng K-POP girl group na BLACKPINK na Kill This Love at Lovesick Girls. Nilagyan ng artist na si Cliff Ethan ng mga puso sa katawan ng baril. Itim at pink ang kulay ng mismong AR na ito dahil ‘yun daw ang color scheme ng sikat na K-POP girl group.
5. Fennec – Deep Sea Monster
Sumisid naman tayo sa ilalim ng dagat sa baril na ito. Gawa ni Pacita Jen Michael, ang SMG na ito ay pinukaw sa underwater sea creature na angler fish. Napaka-angas naman ng kill effect, nagiging isang Electro Orb ang mga players na napapatay ng kung sino man ang may hawak ng baril na ito.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa CoD.