Naglabas na ng isang Tournament mode ang Call of Duty Mobile Season 4 kung saan kailangan maglaro ng mga players ng mga random multiplayer games para makakuha ng camos at iba pang rewards. 

Kasama sa Tournament mode ang mga rules na inaasahan mo sa isang ranked match. Ito ay isang time-limited mode lamang. 

Rewards ng Tournament mode ng Call of Duty Mobile 

CODM Tournament mode
Credit: Activision

May tatlong klase ng rewards na maaring matanggap ng mga players mula sa mode na ito: 

1. Victory rewards 

Makakatanggap ka ng isang extra crown, calling card, at isang Red Sprite crate  

2. Milestone rewards 

Mayroong crown milestones na maaring makuha para makatanggap sila ng milestone rewards. Lahat ng milestones ay makukumpleto sa 20 crowns in total. May mga camo crates ng Red Sprite para sa mga baril. 

3. Rank rewards 

Ang mga players na makakaangat sa tuktok ng leaderboards ay makakakuha ng mga rewards tulad ng frames, emotes, at free COD Points. 

Modes 

Ito ang mga modes na maaring laruin sa Tournament mode: 

  • Gunfight 
  • Gunfight Team Deathmatch 
  • 2v2 Team Deathmatch 
  • 2v2 Kill Confirmed 
  • Free For All 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa COD.