Pumasok na ang Blacklist International sa Call of Duty: Mobile competitive scene at kinuha ang roster ng kasalukuyang hari ng naturang mobile shooter game sa Pilipinas na Ultimate E-Pro.

Inanunsyo ng Blacklist ang pag-acquire nila sa buong lineup ng Ultimate noong Miyerkules ng gabi, September 15.

We're about to Break new Codes.We're sure you've heard of it. Now let's make it official. Introducing our Blacklist…

Posted by Blacklist International on Wednesday, September 15, 2021

Pinagharian ng Ultimate E-Pro ang Call of Duty: Mobile Philippines Championship 2021 matapos patumbahin ang tinaguriang “Kings of Garena” na Smart Omega (dating NRX Jeremiah 29:11) noong September 5.

Winalis ng Ultimate ang Omega, 3-0, sa unang grand finals match para mapwersa ang bracket reset bago ilista ang 3-1 panalo sa winner-takes-all na ikalawang serye.


Kumpletong lineup ng Blacklist International CODM

Blacklist International
Logo ng Blacklist International

Blacklist International at Smart Omega sasabak para sa CODM World Championship spot

Susubukan ng Blacklist International at Smart Omega na makuha ang nag-iisang tiket papuntang Call of Duty: Mobile World Championship 2021 sa Garena Finals (qualifier) na gaganapin mula September 30 hanggang October 10.

Irerepresenta ng Blacklist at Omega ang Pilipinas kontra sa 10 koponan mula sa Thailand, Singapore, Malaysia, Indonesia at Taiwan sa naturang regional tournament.

Nauna nang inanunsyo ng game developer na Activision na isasagawa sa dulo ng taon ang CODM World Championship na may kabuuang prize pool na $2 milyon (halos P100 milyon).

Subaybayan ang pagsabak ng Blacklist at Omega sa Garena Finals sa opisyal na Facebook at YouTube channel ng Call of Duty: Mobile.