Nakakamit muli ng isang matinding kill count ang FaZe Nuke Squad streamers na sina Kris “Swagg” Lamberson at Dante “Santana” Santana sa isa sa kanilang Call of Duty Warzone streams.
Nakinig sa Drake si FaZe streamer na si Swagg habang nag-uusap sa voice comms si Repullze at Santana
Para kumpletuhin ang kanilang trio, sinali ng Nuke Squad boys si Hector “Repullze” Torres, isang player na laging guest sa mga stream ni Swagg.
Ngunit hindi mainit ang simula ng laro. Naipit sina Repullze at Santana sa isang firefight sa Karst Salt Mine, at naiwan si Swagg para kalabanin ang mga natira sa lobby.
Dahil sa talong ‘yon, nagpatugtog si Swagg ng “Get Along Better” ni Drake para hindi niya marinig ang pag-uusap ng kaniyang mga teammates. Pokus sa goal ang FaZe streamer na ito.
Mainit na nakapag-team wipe ang Nuke Squad
Pagkatapos niyan ay sabay-sabay na nakakuha ng kontrol ang squad sa Airplane Factory.
Habang kinumpleto ni Repullze ang isang intel contract na nagpakita ng susunod na cirlce, ni-rush ng Nuke Squad duo ang isang apartment complex para sa isang back-to-back team wipes.
Kahit na na-eliminate si Santana matapos siyang mag-scout sa isang rooftop, ginantihan naman ni Swagg ang kaniyang teammate sa pamamagitan ng isang magarang team wipe.
Nakasungkit ng isang Call of Duty Warzone victory ang trio ng may 80 kills
Naging last-minute clutch guardian angel si Repullze matapos niyang patumbahin ang mga nagtatagong campers at narevive din niya ang kaniyang kapwa Nuke Squad members bago mahuli sa final firefight.
Nagsagawa naman ng isang all-out attack ang squad sa Gora Bridge gas station. Matapos mapatay ng Precision Airstrike ni Swagg ang isang kalaban, na-corner nila ang mga natitirang operators para makamit ang panalo.
Sa isang match lamang, nakakuha ng 80 kills ang trio. Naging top sa scoreboard si Swagg sa kaniyang 35 eliminations at 14,000 damage.
Maari mong panoorin nang live ang aksyon sa Call of Duty Warzone sa mga Twitch channels ni Repullze, Santana, at Swagg.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights sa CoD.