Update ngayong March 10: Upang maihatid namin sa inyo ang mas maganda pang competitive experience, nag-desisyon ang ONE Esports at Activision Blizzard na i-reschedule ang Call of Duty: Warzone 2.0 ONE Esports New World Royale. Mag-abang sa anunsyo kung kailan ang panibagong schedule ng torneo.


Tinatawagan ang lahat ng Operators mula sa Pilipinas, Hong Kong, Taiwan, Singapore, at Thailand!

Hatid sa inyo ng ONE Esports at Activision Blizzard, titipunin ng Call of Duty Warzone 2.0 ONE Esports New World Royale ang 296 Quad squads na magsasagupaan para sa tsansang ibulsa ang US$5,1000 (mahigit PHP280,000) cash prize at mahigit isang milyon na COD Points.

Narito ang lahat ng kailangan niyong malaman patungkol sa Call of Duty Warzone 2.0 ONE Esports New World Royale, kasama ang schedule, bracket, prize pool, kung paano magrehistro, at saan niyo mapapanood ang torneo.


Ano ang Call of Duty Warzone 2.0 ONE Esports New World Royale?

Call Of Duty Warzone Mobile
Credit: Activision

Ang Warzone 2.0 ONE Esports New World Royale ay isang online community tournament na layuning madiskubre ang pinakamahuhusay na Quad teams mula sa Southeast Asia.


Format at schedule

Credit: ONE Esports

Magbubukas ang New World Royale sa pamamagitan ng dalawang qualifiers sa ika-25 at 26 ng Marso. Bawat araw ay magho-host ng 148 Quads sa country-based lobbies. Ang Hong Kong, Taiwan, Thailand, at Singapore/Pilipinas ay may kani-kanilang regional qualifying lobby na may 37 Quads.

36 squads mula sa bawat qualifier ang aabante sa kani-kanilang live semifinals on unang araw ng Abril, kung saan maglalaban sila nang tatlong rounds. Ang top 18 teams mula sa dalawang semifinals ay uusad sa live grand final sa ika-2 ng Abril.

Pagbabanggain ng grand final ang huling 36 teams sa dalawang bahagi. Mayroong tatlong rounds sa Phase 1 habang dalawa lang sa Phase 2. Ang koponan na may pinakamaraming eliminations at best placements ang kokoranahang kampeon ng New World Royale.

Credit: ONE Esports

Prize pool ng Call of Duty Warzone 2.0 ONE Esports New World Royale

Magsasagupaan ang mga koponan para sa tsansang makuha ang US$5,1000 (mahigit PHP280,000) na premyo kasama pa ang 1,360,000 COD points.


Paano magrehistro para sa torneo

Ang mga manlalaro ay pwedeng magrehistro sa dalawang New World Royale qualifiers sa pamamagitan ng opisyal na Battlefy page.


Saan mapapanood ang Call of Duty Warzone 2.0 ONE Esports New World Royale

Ang semifinals at finals ng Warzone 2.0 ONE Esports New World Royale ay ii-stream sa mga opisyal na channel ng ONE Esports sa English, Mandarin, at Thai.

Para sa karagdagang impormasyon patungkol sa Call of Duty Warzone 2.0 ONE Esports New World Royale, magtungo sa opisyal na event page.



Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.