Dahil sa pagiging beterano sa mga FPS games, ipinagmamalaki ni Hershel “Dr DisRespect” Beahm IV ang kaniyang sarili bilang isa sa mga pinaka-experienced players sa Call of Duty Warzone.
Finlex ng streamer ang kaniyang skills sa battle royale game na ito sa pamamagitan ng isang matinding no-scope sniper shot na narinig sa buong Verdansk.
Panoorin ang no-scope highlight ni Dr DisRespect sa Call of Duty Warzone
Isang normal na araw lang ito para kay Doc at sa squad niya. Habang umiikot sa Verdansk Hospital, pumulot ang streamer ng kaniyang classic na Kar98k marksman rifle loadout at nag-zipline sa tuktok ng isang gusali.
Dahil maagang namatay ang kaniyang teammate na si Zack “ZLaner” Lane, nakuha niya ang highlight ni Doc sa real time.
Matapos mag-call out ng paparating na helicopter ng kalaban, naka-pokus si Dr DisRespect sa langit para sa mga Hail Mary shots.
Nagpakita na din ang helicopter sa langit – isang potensyal na target para kay Doc. Sa kabila ng layo niya, nakapag-score si Doc ng isang no-scope shot na nakapatay sa isa sa mga nakasakay as helicopter.
Ilang segundo matapos ang highlight at ang mga naguluhang reaksyon nina Z at Doc, kinumpirma ng kill feed na ang no-scope na ito ay isang tumpak na headshot.
Kung ito man ay dahil sa sniping expertise ni Doc o kaswertehan lamang, madaling sabihin na ang highlight na ito ay isa sa mga best no-scopes sa Call of Duty Warzone history.
Maari mong mapanood ang kumpletong gameplay ni Doc sa video sa ibaba:
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights sa CoD.