Inihatid ng Call of Duty Mobile Season 9 ang Thumper, isang bagong secondary weapon na maasahan mong makakaubos ng kalaban sa isang putok.

Weapon attributes ng Thumper

 

Thumper weapon sa CODM
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Bilang kauna-unahang grenade launcher ng laro, nagbibigay ang Thumper ng panibagong approach sa launcher gameplay.

Habang mas matindi ang damage ng FHJ-18 at SMRS sa kanilang rocket ammunition, ang panibagong launcher na ito ay may mas mabilis na fire rate at mas magandang mobility para sa mga players.

WEAPON ATTRIBUTE VALUE 
Damage 130 
Accuracy 50 
Range 50 
Fire Rate 20 
Mobility 60 
Control 20 

Paano ma-unlock ang secondary weapon na ito sa Call of Duty Mobile Season 9

Para ma-unlock ang Thumper, dapat mong kumpletuhin ang Call of Duty Mobile Season 9 na event, Outta The Way!

Ibibigay sa’yo ang secondary weapon pag nakumpleto mo ang pang-pito at huling challenge ng event. 

Ito ang listahan ng lahat ng challenges at kanilang rewards: 

LEVEL CHALLENGE REWARD 
Play 5 Multiplayer matches 5x Weapon XP card, 1,000 Battle Pass XP 
Kill 5 enemies with any Lethal equipment J358- Shocking skin, 1,000 Battle Pass XP 
Kill 10 enemies with any pistol Urban Undead spray, 2,000 Battle Pass XP 
Earn the Bloodthirsty Medal 5 times in Multiplayer matches Chipset frame, 2,000 Battle Pass XP 
Kill 30 enemies with the Martyrdom Perk equipped (available in Credit Store) x10 Weapon XP card, 3,000 Battle Pass XP 
Win 3 matches with any Shotgun equipped with 5 attachments SKS – Voltaic Garden skin, 3,000 Battle Pass XP 
Kill 30 enemies with the Amped Perk equipped Thumper, 4,000 Battle Pass XP 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa mga balita, gabay, at highlights tungkol sa CoD.