Matapos ang taon-taong pagrereklamo ng mga players, maghahatid na ng nerf ang Call of Duty Mobile sa sikat na Persistence perk sa Multiplayer Mode. 

Darating ang nerf na ito sa Season 5 ng laro, kung saan makakakita rin ang mga players ng mga bagong mapa, tactical equipment at iba pa. 

Paano na-nerf ang Persistence perk ng Call of Duty Mobile? 

CODM persistence perk nerf

May dalawang major components na iniba na makakaapekto sa persistence perk. Magiging isang blue perk na ang Persistence simula Season 5. Dahil diyan, hindi mo na magagamit ang Hardline perk kung ikakabit mo ang Persistence perk sa iyong loadout. 

Makakaipon pa rin ng scorestreak points ang Persistence perk ngunit wala itong extra 25% score na makukuha sana kung may Hardline perk, at dahil dito, mas mahirap na makakuha ng streaks.  

Maliban sa pagbabagong ito, magkakaroon na rin ng tatlong rank ang scorestreaks. 

Ang unang rank ay may mababang score value tulad ang paggamit ng UAV, Shock RC,  Shield Turret, at iba pa. Para sa pangalawa at pangatlong rank naman, mas kailangan makakuha ng players ng mas mataas na score para mag-activate ang scorestreak. Ang Predator Missile ay isang second-ranked scorestreak habang ang Napalm ay isang third-ranked streak. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa CODM.