Kung hindi man pinakamalakas sa kasalukuyang meta, isa ang Peacekeeper MK2 sa pinakamagandang baril sa Call of Duty: Mobile ngayong season. Kaya naman hindi na nakakapagtaka na patok ito sa mga batak magpataas ng rank maging sa streamers at professional players.
Ang assault rifle na ito kasi ay itinuturing na halimaw sa malapitan man o malayuang barilan. Nagtataglay ito ng disenteng damage (26), mataas na fire rate (65), accuracy (58), mobility (82), range (50) at balanseng control (54) nang wala pang attachments.
Maraming kombinasyon ng attachments ang epektibo sa naturang AR. Bilang gabay para sa inyo, tinanong ng ONE Esports Philippines si Blacklist Ultimate player Averson “Skerd” Salaya patungkol sa kanyang Peacekeeper MK2 loadout.
Narito ang attachments na bumubuo sa Peacekeeper MK2 loadout ni BLCK Skerd
Bahagi si Skerd ng Ultimate E-Pro na inagaw ang trono sa CODM Philippines Championship 2021 laban sa Smart Omega (dating NRX Jeremiah 29:11). Matapos kuhanin ang kanilang koponan ng tanyag na Blacklist International, pinagharian ng Blacklist Ultimate ang CODM World Championship 2021-East Finals maging ang Garena Masters 2022 Season 1 at Garena Invitational 2022.
Sa isang ekslusibong panayam sa ONE Esports Philippines, inilahad ni Skerd na ang Peacekeeper MK2 ang go-to gun niya sa mga nakalipas na torneo. Ibinahagi rin niya ang mga attachments na bumubuo sa kanyang loadout para dito na maaari niyong gamitin bilang gabay.
Gumagamit si Skerd ng Agency Suppressor sa kanyang Peacekeeper MK2 para sa tahimik na pagputok ng nito at mas mababang vertical recoil maging ng Task Force Barrel para naman sa karagdagang range at mas mabilis na fire rate.
Classic Red Dot Sight naman ang nilalagay niya sa kadahilanang “hindi ko trip ‘yung Iron Sight and mas accurate if naka-Red Dot for me.” Mas mabilis na ADS movement para sa swabeng strafing at bawas sa sprint-to-fire delay ang binibigay sa kanya ng Agile Stock.
Panghuli, naglalagay siya ng Double Stack Mag na nagkakaloob ng karagdagang 10 bala at -35% reload time. Hindi siya gumamit ng attachment para sa mga slot ng Perk, Laser, Underbarrel at Rear Grip.
Panoorin kung paano ginamit ni Skerd ang kanyang Peacekeer MK2 loadout sa mainit na bakbakan ng Blacklist Ultimate at Smart Omega sa Garena Masters Season 3 grand finals:
Attachments sa Peacekeer MK2 loadout ni BLCK Skerd
- Muzzle: Agency Suppressor
- Barrel: Taskforce Barrel
- Optic: Classic Red Dot Sight
- Stock: Agile Stock
- Ammunition: Double Stack Mag
Para sa iba pang CODM loadout guides, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.