Maari mo nang makalaban sina Kong at Godzilla sa Operation Monarch na inihatid ng Call of Duty Warzone mula May 11 hanggang May 25.
Maari ka ring sumali sa Operation Monarch event, na magbibigay sa’yo ng rewards sa paglahok mo sa mga matches at pagkumpleto ng mga challenges. Maari ka ring bumili ng limited edition Monsterverse Bundles na kumuha ng inspirasyon sa Godzilla vs. Kong.
Harapin ang mga pwersa ng kadiliman sa Operation Monarch
Ang Operation Monarch ay isang selebrasyon ng Monsterverse at ng Godzilla vs. Kong sa loob ng Call of Duty franchise.
Ito ang masasabi ng Activision tungkol sa laban nina Godzilla at Kong.
“Neither Kong nor Godzilla are villains,” sabi Sam Rappaport, Legendary’s Director of Interactive Media.
“The Monsterverse has ‘Protector’ and ‘Destroyer’ Titans, each with a biological imperative to battle for dominance. While we do see these ancient rivals go toe-to-toe in Godzilla vs. Kong, both are considered ‘Protector’ Titans. However, when provoked by other Titans or humans, there is no stopping their rage.”
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa COD.