Magdiwang, mga Call of Duty: Warzone fans! Magbabalik ang ONE Esports Warzone Showdown sa October 10, 2021, 2 p.m. (GMT+8)!

12 celebrity streamers mula sa Indonesia, Malaysia, Philippines, at Thailand ang maglalaban-laban sa isang serye ng live Warzone matches. Ang bawat streamer ay pipili ng kaniya-kaniyang squad para makakuha ng pinakamaraming eliminations.

Makakakuha ng one point kada elimination ang mga teams habang ang winning team ay mabibigyan ng extra three points.

Ang bawat streamer ay ma-rarank base sa kaniyang total accumulated points para sa kaniyang matches at hindi siya makikipag-bakbakan sa ibang streamers sa ibang brackets. 

Ang team na mayroong pinakamaraming eliminations sa single-day event na ito ang magwawagi bilang kampeon at makakasungkit ng tumataginting na US$5,000 prize pool.

Ito ang listahan ng mga lalahok na celebrity streamers: 

Ang ONE Esports Warzone Showdown ay ipapalabas live sa Facebook, Twitch, at YouTube channels ng ONE Esports.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Warzone Showdown website.