Heads up, mga Call of Duty Warzone fans! 

Opisyal na magsisimula na ang ONE Esports Warzone Showdown sa October 10, kung saan maglalaban-laban ang 12 celebrity streamers sa isang serye ng live Warzone matches.

Mula pa sa Indonesia, Malaysia, Philippines, at Thailand, ito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa mga lalahok na streamers sa ONE Esports Warzone Showdown.

Mga streamers na lalahok sa ONE Esports Warzone Showdown 

Alita Zunic 

Isang nagbabalik na fan favorite, napatunayan nang paulit-ulit ni Alita Zunic na alam na alam niya ang Verdansk. Ito man ay makakuha ng double-digit kill counts o pag-revive sa mga teammates niya, gagawin ng streamer na ito ang lahat para maiuwi ang W para sa kaniyang squad.

DangerDogg 

Papasok si DangerDogg bilang isang powerhouse representative mula sa Malaysia. Dahil sa kaniyang mga nakamit sa FPS esports, obstacle racing, at ice hockey, halatang hindi baguhan si DangerDogg sa mga thrilling na sitwasyon.

HAWKEZxoxo 

Isang pambato ng Thailand, si HAWKEZxoxo ay isang streamer na pinagaaralan ang mga gunplay ng Call of Duty Warzone. Mula sa paggamit ng akimbo Magnums hanggang sa nakakamatay na Sai melees, magbubunyag ng panibagong loadouts si HAWKEZxoxo na maaring mabago ang meta ng Warzone.

Jillian Santos 

‘Wag malinlang sa kaniyang mga TikTok compilations, dahil si Jillian Santos ay isang devoted na team player. Dahil sa kaniyang mga karanasan sa MOBAs at iba pang FPS games, asahan mong magsisimula si Jillian ng matinding firefights.

Khenji Gaming 

Nagbabalik si Khenji Gaming sa ONE Esports Warzone Showdown para sa isa pang malupet na pagpakita ng kaniyang skills at charm. Bilang isang streamer na mayroong higit sa 600,000 followers, siguradong magdadala si Khenji ng aliw at killer highlights sa kaniyang Call of Duty Warzone gameplay.

Maggiekarp 

Isang “cool as ice” sa casual at competitive play, si Maggiekarp ay isang nagbabalik na PH streamer na may magarang tutok. Abangan si Maggie para sa mga mataray na killstreaks sa Call of Duty Warzone.

Marky932 

Sa kaniyang mahigit na 1,600 wins at 4+ KD ratio sa Call of Duty Warzone, ang Thai streamer na si Marky932 ay posibleng maging susunod na controller god sa Warzone Showdown.

Myrtle Sarrosa 

Actress. Otaku. Cosplayer. Gamer. Warzone Showdown champion? Nagbabalik si Myrtle Sarrosa sa ONE Esports event para sa isa pang pagkakataon ipakita ang kaniyang AR skills at manalo para sa isa pang prehistihiyosong titolo sa kaniyang Instagram bio.

President Mojo 

Ang Indonesian streamer na si President Mojo ay isang lalaking may maraming game titles. Ang susunod naman na tatahakin niya ay ang Call of Duty Warzone, at handa na siya para masungkit ang Warzone victory para sa kaniyang squad.

Tricia Potato 

Isang alpha female, ang PH host at streamer na si Tricia Potato ay nagbabalik sa Verdansk bilang isang battle royale specialist, at handa na siya kunin ang kaniyang trono sa Warzone.

SiuPakChoi 

Kilala bilang si Asian Sniper, magdadala si SiuPakChoi ng kaniyang karanasan sa daily gaming at pro experience sa Call of Duty Warzone. Basta’t makahawak lang siya ng isang Kar98k, hindi na natin alam kung ilang longshots ang makukuha ng sharpshooter na ito.

Tanxlive 

Ang Thai streamer na si Tanxlive ang perpektong pambato sa ONE Esports Warzone Showdown. Kilala sa kaniyang pagmamahal para sa FPS at survival games, mukhang makikita natin si Tanxlive bilang isa sa mga natirang operatiors sa last circle.

Magbabalik ang ONE Esports Warzone Showdown sa October 10, 2021, 2 p.m. (GMT +8).

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita at highlights tungkol sa Warzone Showdown.