Nagbabalik ang ONE Esports Warzone Heroes Showdown, at mas malaking pasabog ang dala namin sa dalawang araw ng aksyon na magaganap sa December 11 at 12, 2 p.m. (GMT+8).

Hatid ng ONE Esports at Activision Blizzard, ang premiere Call of Duty: Warzone tournament ng Southeast Asia ay pagsasama-samahin ang 17 top celebrity streamers sa rehiyon upang maglaban-laban sa bagong Call of Duty: Warzone Pacific map na Caldera.

Ito ang kauna-unahang official Call of Duty: Warzone esports event na magaganap sa bagong mapa.

Panoorin ang paborito nyong streamers mula sa Indonesia, Malaysia, Philippines, at Thailand sa tagisan ng galing, at alamin kung sino ang makakakuha ng pinakamaraming eliminations para sa US$10,000 prize pool.

Narito ang listahan ng mga celebrity streamers na maglalaro:

Ang bawat streamer ay bubuo ng kani-kanilang squad ng operators na tutulong sa kanilang lumaban sa mga hanay ng public matches. Ang mga teams ay makakakuha ng 1 point sa kada elimination habang ang winning team naman ay bibigyan ng extra 3 points. Ang bawat streamer ay ira-rank base sa mga nakuhang points sa kani-kanilang mga matches at hindi sila lalaban sa streamers sa ibang brackets.

Magkakaroon ng dalawang magkahiwalay na events na magaganap sa December 11 at 12, at ang team na magkakaroon ng pinakamataas na eliminations sa bawat araw ay kokoronahang kampeon.

Dagdag pa rito, ang ONE Esports Warzone Heroes Showdown ang unang official Call of Duty: Warzone tournament sa Southeast Asia na gagamit ng RICOCHET Anti-Cheat. Tampok sa bagong anti-cheat security initiative ang isang internally developed PC kernel-level driver na unang maa-activate sa Asia-Pacific region bago ilabas sa buong mundo.

Panoorin nang live ang ONE Esports Warzone Heroes Showdown sa  FacebookTwitchTwitter, at YouTube channels ng ONE Esports.

Para sa iba pang detalye, puntahan ang official ONE Esports Warzone Heroes Showdown website.