Napatawag kamakailan sa isang top secret mission ang Tier One co-founder at tanyag na cosplayer na si Alodia Gosiengfiao para sa Call of Duty Warzone 2.0 DMZ Loot Ops.
Kasama ang Filipino gaming community figures na sina Roadfill at Myrtle Sarrosa, lumipad sila sa Singapore bilang kinatawan ng Team Philippines para sa IRL Warzone 2.0 Loot Ops simulation.
Alodia, ibinahagi ang naging karanasan sa Call of Duty Warzone 2.0 DMZ Loot Ops
Sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports, ikinwento ni Boss A ang pakiramdam na masubukan ang Warzone 2.0 DMZ sa totoong buhay.
“It was very different kasi they made an actual set of the Warzone with the roaming guards. And then if you get hit, you could actually feel you get hit, but it is so fun I wish they brought in the Philippines,” kwento niya.
(Sobrang iba siya kasi gumawa talaga sila ng set ng Warzone na may umiikot na gwardiya. Tapos, ‘pag natamaan ka, mararamdaman mo talagang tinamaan ka, pero sobrang saya, sana dalhin din nila sa Pilipinas.)
Sa kabila ng busy na schedule, na pinupuno ng mga responsibilidad bilang CEO ng isa sa pinakatanyag na entertainment company sa rehiyon, cosplayer, at gamer, ipinabatid ni Alodia na masaya siyang mabigyan ng pagkakataong makatrabaho ang mga larong gusto niya talagang nilalaro, gaya na lang ng Warzone.
Kamakailan ay inilabas na ang Call of Duty: Warzone 2.0, kung saan tampok ang bagong mapa na Al Mazrah, feature sa circles, weapons, DMZ Mode, at marami pang iba.
Mapapanood ang Call of Duty Warzone 2.0 DMZ Loot Ops experience nina Alodia dito.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.