May ilang audio mix enhancements ang nakapaloob sa Warzone 2.0 at Modern Warfare 2. Nais kasi ng developers na magkaroon ng mas kaaya-ayang karanasan ang players ng laro. Sa katunayan, hango ang audio ng mga ito sa totoong weapons, cannon fire at helicopters kung kaya’t mas makatotoohanan ang dating nito.
Bukod dito, may bago rin reverb engine ang nakasalang para mas magaya ang tunay na pakiramdam ng isang first person shooter, katuwang pa ng pinagandang 3D directionality para matunton ang mga kalaban, gayundin ang bagong sound occlusion engine.
Bagamat napakagandang adisyon ang mga ito para mas maging kabuhay-buhay ang shooting games, may pagkakataong nawawala ang tunog ng footsteps na isa sa pinakamahalagang cue sa laro.
Warzone 2.0 and Modern Warfare 2: Pinakamagandang audio settings para mas malinaw na tunog ng footsteps
May anim na aduo mix presets para sa iba’t-ibang audio setups. Heto ang ilan sa mga nagagawa ng mga ito:
- PC — Tightest dynamic range and EQ for use with PC speakers.
- Headphones — Tighter dynamic range and EQ for use with headphones.
- Headphone Bass Boost — Tighter dynamic range and EQ with enhanced low-end frequencies for use with headphones.
- Sound Bar — Tighter dynamic range and EQ for use with soundbar.
- Home Theater — High dynamic range setting for use with home theater systems.
- Cinema — Highest dynamic range setting for use with cinema theater systems.
Kahit pa pinaka-obvious choice ang Heaedphone Bass Boost para madagdagan ang low frequencies (kasama na ang footsteps), maaari nitong mas guluhin ang audio mix.
Ito ay dahil maraming naglalaban na low frequency sounds sa Call of Duty. Maaaring explosives ito na malapit sayo o di kaya naman ay killstreak na galing sa itaas. Kaya naman, posibleng malunod ang tunog ng footsteps dito.
Kaya naman, Home Theater ang isa sa mga pinapaboran ngayon. Mas nangingibabaw kasi ang tunog ng footsteps sa audio mix, habang ang ambient noises ay mas malambot sa padinig. Gayunpaman, isa sa mga hindi kaaya-ayang epekto nito ang pokus ng preset sa treble frequencies kung kaya’t hindi kasing ganda ang tunog ng putok ng mga baril.
SETTING | OPTION |
Audio Mix | Home Theater |
Master Volume | 50 |
Music Volume | 0 |
Dialogue Volume | 20 |
Effects Volume | 100 |
Hit Marker Volume | 20 |
Speakers/Headphones Game Sound Device | Default System Device |
Mono Audio | Off |
Sa usapin naman tungkol sa volume numbers, nakabase na ito sa personal preference. Ang isang bagay lamang na dapat bigyang-pansin ay ang paglalagay sa maximum ng Effects Volume. Karugtong kasi nito kung gaano kalakas ang tunog ng footsteps, kasama na rin ang putok ng mga baril.
Makakatulong din kung bababaan mo ang sound volumes tulad ng music, dialogue at hit markers para sa mas lumutang ang footstep cue.
Samantala, nakadepende sa headphones kung ano ang kalalabasang output ng Master Volume. May pagkakataong sobrang lakas ng sounds na makukuha mula sa Warzone 2.0 at Modern Warfare 2 kung kaya’t alam mo dapat akung anong lebel ang sapat para sayo.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.