Nandito na ang World Cup fever, at nakarating na rin ito hanggang sa Call of Duty.
Sa Modern Warfare 2 ay ipinakikilala ang mga bagong Operators sa anyo ng mga football icons na sina Neymar Jr., Paul Pogba, at Lionel Messi. Bukod pa dito, magkakaroon ng in-game voting system kung saan pwedeng bumoto ang mga players kung aling team ang sa tingin nilang mananalo sa anim na iba’t ibang matches.
Makakatanggap ka ng premyo base sa kung paano mag-perform ang napili mong team. Narito ang mga event rewards na maaari mong makuha at kung paano makasali.
Rules at prizes sa Modern Warfare 2 FC event
Magbubukas ang botohan sa unang match sa pagitan ng England at USA ngayong November 25. Upang ma-access ang voting system, mag-scroll down lang sa main menu hanggang sa makita mo ang card para sa Support A Team event at ang Modern Warfare FC button.
Sa pag-click ng button na ito, mapupunta ka sa isang page kung saan pwede mong iboto ang paborito mong team. Kapag nanalo ang iyong team, makakatanggap ka ng calling card na may bandila ng bansang ‘yon, isang country war track, at 10,000 XP.
Dagdag pa rito, may iba’t ibang tiered rewards depende sa kung ilang tamang hula ang nakuha mo. Kung tama ang iyong pag-predict sa dalawang matches, mananalo ka ng isang weapon blueprint gaya ng makikita sa ibaba. Kung tama ang iyong hula sa apat na matches ay magkakaroon ka ng pangalawang blueprint.
Ang maganda dito ay meron makukuha ang lahat. Kahit matalo ka, makakatanggap ka ap rin ng consolation prize. Ang mga tabla ay mabibilang din bilang tamang hula, kung kaya’t ang magkabilang teams ay makakatanggap ng premium rewards.
Ang pagboto sa mga sumusunod na matches ay magbubukas sa mga susunod na araw:
- Argentina vs Mexico
- Spain vs Germany
- South Korea vs Ghana
- Tunisia vs France
- Cameroon vs Brazil
Ang lahat nang rewards ay ipamimiigay pagkatapos ng event sa December 2.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.