Ang weapon na ito mula sa Modern Warfare ay nagpapaulan na ng bala sa bagong platform.
Para labanan ang ginaw dulot ng snowstorms sa Season 11, ipinakilala ng Call of Duty Mobile ang PKM, isang heavy-hitting light machine gun mula sa Modern Warfare series.
Mga detalye tungkol sa PKM light machine gun
Tulad ng nakita sa mga nakaraang Call of Duty titles, magandang option ang PKM para makalamang sa mga mid at long range firefights.
Ang PKM ang pinakamabigat na LMG sa game kung kaya’t siguradong babagal ang gumagamit nito, hindi tulad ng mga mas magaan na LMGs gaya ng Hades. Sa kabila ng disadvantage sa mobility, bawing-bawi naman ang weapon na ito dahil sa mataas na accuracy at bigating na damage output.
Bagay na bagay ang automatic weapon na ito sa mga operators na nagbabantay at dumedepensa sa objectives, tulad ng mga plant sites o hardpoints.
WEAPON ATTRIBUTES | VALUE |
Damage | 32 |
Accuracy | 64 |
Range | 58 |
Fire rate | 63 |
Mobility | 28 |
Control | 49 |
Paano ma-unlock ang light machine gun nang libre sa Call of Duty Mobile Season 11
Para ma-unlock ang PKM nang libre, kailangan mong mapa-level up ang iyong Season 11 Battle Pass hanggang Tier 21 sa pamamagitan ng paglalaro ng mga games at pagkumpleto sa mga challenges.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa weapon, magpunta sa Season 11 community update.
Huwag kalimutang i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita, updates, at highlights tungkol sa esports at gaming.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.