Grind time na para sa mga Call of Duty players na may gustong pagtrabahuhan sa paborito nilang laro. 

Kinumpirma ni Daniel Tsay, Call of Duty League General Manager, na ilalabas na nila ang Ranked Play kasabay ang bagong Vanguard game content sa February. 

Darating na ang Season 2 ng Call of Duty Vanguard sa February 14

Call of Duty Vanguard Pacific
Credit: Activision

Darating na ang Ranked Play sa Season 2 ng Vanguard na inaasahang lalabas sa February 14. Ang bagong season ng Vanguard at Warzone ay orihinal na naka-schedule sa February 2, ngunit na-delay ito ng ilang linggo para mas mapabuti pa ng mga developers ang laro at ayusin ang mga issues na natira. 

Nangyari ang delay matapos ang nakakagulat na pagbili ng Microsoft sa Activision Blizzard at mga reklamo ng mga players tungkol sa bugs sa dalawang laro. 

Importante ang Ranked Play para maging interesado ang player base, at ang isang solid progression system kung saan aakyat ka ng rank ay makakatulong para hindi magsawa ang mga players. 

Hindi na nagsalita si Tsay tungkol sa kung ano ang dapat asahan sa Ranked Play. Ngunit tinukso ng mga dating leaks na may elemento ito ng Ranked Play mode ng CoD Black Ops Cold War at WWII. 

Naibunyag ng mga fanatics ang mga salita tulad ng “Skill Rating” at “Skill Division,” ngunit ang huling implementasyon ng Season 2 ay maaring magiba pa rin. 

Basahin ang buong anunsyo dito