Matapos simulan ang taon sa pag-release ng PPSh-41 submachine gun, nagpakilala na naman ang Call of Duty Mobile 2022 Season 1 ng isang alamat na CoD weapon sa anyo ng Kilo 141.
Ang Kilo 141 ay isang fully automatic assault rifle mula sa Modern Warfare series at popular dahil sa lakas nito pagdating sa medium-range na barilan at 100 round drum magazine attachment.
Ang weapon stats ng Kilo 141 assault rifle
Malakas ang Kilo 141 sa mid-range firefights dahil sa mala-kidlat na fire rate at four-shot-kill guarantee nito. Mayroon ding mataas na headshot damage ang full-auto assault rifle na ito kaya naman nabibigyan nito ang mga player ng tsansa na ubusin ang mga kalaban gamit ang solidong spray transfer.
Bagamat ang pangunahing kahinaan nito ay ang kakulangan sa kontrol, pwede itong magawan ng paraan sa pamamagitan ng pagkabit ng 100 Round Reload magazine attachment. Bukod sa pagtriple ng iyong magazine size mula 30 patungong 100, dinadagdan ng attachment ang range ng baril nang 10% at pinapababa ang horizontal recoil nang 30%.
Tandaan na ang recoil ng Kilo 141 ang unang balakid kapag bumabaril. Sa opisyal na weapon introduction video, kinumpirma ng mga developer na kapag gumagamit ng 100 Round Relod, nagiging mas manageable ang recoil nito pagkatapos ng unang 20 shots.
WEAPON ATTRIBUTE | VALUE |
Damage | 29 |
Accuracy | 56 |
Range | 58 |
Fire rate | 68 |
Mobility | 79 |
Control | 48 |
Paano i-unlock ang Kilo 141 sa Call of Duty Mobile
Para ma-unlock ang Kilo 141 nang libre, kailangan mong kumpletuhin ang Season 1 event ng Call of Duty Mobile na Locked and Loaded. Makikita ito sa Seasonal tab sa Events menu.
Ibibigay ang baril na ito kapag nakumpleto mo ang ikaanim na challenge ng event.
Narito ang lahat ng pitong challenge at ang corresponding rewards:
CHALLENGE | REWARD |
Fire 500 bullets in multiplayer matches | 5x Weapon XP card x1,000 Battle Pass XP |
Kill 30 enemies in multiplayer matches | x200 credits x1,000 Battle Pass XP |
Kill 50 enemies with any assault rifle | MK2 – Artbeat camo x1,000 Battle Pass XP |
Kill 35 enemies with any KRM 262 shotgun (unlocked at level 43) equipped with five attachments | x10 Weapon XP card x2,000 Battle Pass XP |
Kill 20 enemies with any KRM 262 equipped with the Gung-Ho perk | Fine Five spray x2,000 Battle Pass XP |
Win five multiplayer matches with any KRM 262 equipped | Kilo 141 x2,000 Battle Pass XP |
Kill 15 enemies with headshots using any Kilo 141 | Close Combat calling card x3,000 Battle Pass XP |
Ang Locked and Loaded seasonal event ay tatakbo hanggang sa ika-23 ng Pebrero.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Kilo 141, maaari niyo itong tignan sa Season 1 community update.
I-like at i-follow ang ONE Esports at ONE Esports Philippines sa Facebook para sa CoD news, guides at highlights.
Base ito sa akda ni Joseph “Jagwar” Asuncion ng ONE Esports.