Kimumpirma ng Activision ang paglabas ng Call of Duty: Warzone sa mga mobile devices. Ang battle royale game ay naging patok sa PC at mga consoles, at ninanais ng kumpanya na dalhin ang experience na ito sa mga smartphones.
Ang Call of Duty publisher ay kasalukuyang naghahanap ng mga empleyado para sa Warzone mobile, na magiging bahagi ng kanilang development at publishing teams.
“We are creating an all-new, AAA mobile experience that will bring the thrilling, fluid, and large-scale action of Call of Duty: Warzone to players on the go,” sabi ng Activision sa kanilang announcement post.
Kumpirmado na ang Warzone mobile
Iniulat na ang game ay kasalukuyang dine-develop para sa mga mobile devices, kaya siguradong hindi lang ito basta direct port ng kasalukuyang version ng Warzone.
Hiwalay ang Warzone mobile sa Call of Duty: Mobile, kahit na ito ay meron na ring battle royale mode. Bagama’t bahagi ng franchise kung tutuusin ang Call of Duty: Mobile, ito ay nilikha ng Chinese developer ng TiMi Studio Group, isang subsidiary ng Tencent.
Sa kabilang banda, ang Warzone ay ide-develop ng Activision Mobile, isang bagong in-house studio na nakatuon sa paggawa ng amrami pang AAA mobile games.
Wala pang nabanggit kung kalian ilalabas ang Warzone mobile at mukhang nasa early stages of development pa lang ito. Subalit papasok ito sa isang field na lalong mas nagiging competitive, dahil naiulat din na ang mga sikat na shooters tulad ng Apex Legends, Valorant, at Battlefield ay nakumpirmang magkakaroon na rin ng mobile versions.
Gayunpaman, maaari pa ring kumita ng malaki ang Activision sa paglabas ng Warzone mobile. Iniulat na ang Call of Duty: Mobile ay kumita ng mahigit US$1.5 bilyon sa global player spending mula nang lumabas ito noong 2019.
Ang ibang battle royale games tulad ng PUBG: Mobile at Garena Free Fire ay nasa top 10 na pinakasikat na mobile titles, ayon sa Sensor Tower, kaya’t malinaw na magiging masagana ang ganitong genre sa mobile.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.