Bago pa man maging meta ang sub-machine gun na CBR4 sa Call of Duty Mobile, matagal nang nadiskubre ni iFerg ang lakas ng baril na ito.
Ang una niyang attachments sa baril na ito ay naka-pokus sa mabilis na Fire Rate at Movement, ngunit napansin niya na napakataas ng Horizontal Recoil nito at mahirap ito kontrolin.
CBR4 loadout ni iFerg sa Call of Duty Mobile
Ngunit matapos ito kalikutin, natuklasan niya ang best attachments sa baril na ito para maging malakas sa close-range at mid-range na gun fights.
Nilagyan niya ng Monolithic Suppressor ang Muzzle niya, at OWC Marksman sa Barrel. Iniwasan din niya lagyan ito ng optic dahil pang-malapitang bakbakan ang baril na ito na perpekto para sa mga Multiplayer na players ng CODM.
Sakto para sa Hardpoint ang baril na ito dahil mayroon din itong OWC – Laser Tactical na Laser para mas mataas ang Accuracy mo laban sa kalaban.
Nilagyan rin niya ito ng Granulated Grip Tape sa Rear Grip.
Ngayon na halos lahat na ng Multiplayer main ay gumagamit ng CBR4 na baril, oras na para subukan mo ang loadout ng CODM gadz na si iFerg.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa CoDM.