Kung hindi man pinakamalakas sa kasalukuyang meta, isa ang Peacekeeper MK2 sa pinakamagandang baril sa Call of Duty: Mobile ngayong season. Kaya naman hindi na nakakapagtaka na patok ito hindi lang sa mga batak magpataas ng rank, kung hindi maging sa streamers, at professional players.
Ang assault rifle na ito kasi ay itinuturing na halimaw sa malapitan man o malayuang barilan. Nagtataglay ito ng disenteng damage (26), mataas na fire rate (65), accuracy (58), mobility (82), range (50) at balanseng control (54) nang wala pang attachments.
Maraming kombinasyon ng attachments ang epektibo sa naturang AR. Bilang gabay para sa inyo, tinanong ng ONE Esports Philippines si Smart Omega player Kennedy “iDra” Mondoy patungkol sa kanyang Peacekeeper MK2 loadout.
Narito ang attachments na bumubuo sa Peacekeeper MK2 loadout ni OMG iDra
Isang beterano sa CODM pro scene, ilang kampeonato na ang naipanalo ni iDra bilang miyembro ng bantog na NRX Jeremiah 29:11 na kalauna’y kinuha ng Smart Omega. Kamakailan nga lang ay nasungkit ng 23-year-old pro at Omega ang back-to-back championship sa Garena Masters 2022 Season 2 at Season 3.
Sa isang ekslusibong panayam sa ONE Esports Philippines, inilahad ni iDra na ang Peacekeeper MK2 ang paborito niyang baril sa ngayon at ibinahagi niya rin ang mga attachments sa kanyang loadout para dito na maaari niyong gamitin bilang gabay.
Naglalagay si iDra ng Agency Suppressor para sa tahimik na pagputok ng baril at mas mababang vertical recoil. Mas mataas na damage range at mas mabilis na fire interval naman ang naibibigay ng Taskforce Barrel.
Gumagamit naman siya ng Agile Stock para sa mas mabilis na ADS movement na nagreresulta naman sa epektibong strafing bukod sa malaking bawas nito sa sprint-to-fire delay. Naglalagay din siya ng Double Stack Mag para sa karagdagang 10 bala at -35% reload time.
Dagdag na ADS time at mas mahinang hit flinch naman ang hatid ng Firm Grip Tape. Hindi siya gumamit ng attachment para sa mga slot ng Optic, Perk, Laser at Underbarrel.
Panoorin kung paano ginamit ni iDra ang kanyang Peacekeeper MK2 loadout upang tulungan ang Smart Omega na makamit ang kampeonato kontra sa kanilang karibal na Blacklist Ultimate sa Garena Masters 2022 Season 3:
Attachments sa Peacekeer MK2 loadout ni OMG iDra
- Muzzle: Agency Suppressor
- Barrel: Taskforce Barrel
- Stock: Agile Stock
- Ammunition: Double Stack Mag
- Rear Grip: Firm Grip Tape
Para sa iba pang CODM loadout guides, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Ang best Peacekeeper MK2 loadout para kay BLCK Skerd