Dahil sa ginawang region-wide brainwash ni Stitch sa Verdansk, tinitipon ng Warzone ang pinakamahuhusay na operators para sa Call of Duty: Warzone Season 5 Reloaded.

Narito ang lahat nang kailangan mong malaman tungkol sa Warzone Season 5 Reloaded, kabilang ang start date, mga bagong modes, ang Numbers event, at ang pagdating ng Judge Dredd operator skin.

Start date ng Call of Duty: Warzone Season 5 Reloaded

CallOfDuty Warzone Season5Reloaded graphic
Credit: Activision

Ang Call of Duty: Warzone Season 5 Reloaded ay opisyal na inilabas noong September 9, 12:00 p.m. GMT+8, isang araw matapos ang update sa Black Ops Cold War.

Clash at Iron Triasls ’84 bilang mga bagong Warzone modes

CallOfDuty Warzone IronTrials84
Credit: Activision

Ipinapakilala sa bagong update ang dalawang abgong modes: ang Clash at Iron Trials ’84.

Lumayo ng konti ang Clash mula sa battle royale concept. Dito ay maglalaban ang dalawang teams na may tig-50 players sa isang 500-point deathmatch na may unlimited respawn.

Ikaw at ang iyong crew sa Clash mode ay mapupunta sa ilang bahagi ng Verdansk tulad ng Downtown o Boneyard, kung saan makakasalubong nyo ang kalabang team.

Survival at skill sa isang classic battle royale naman ang emphasis ng Iron Trials ’84. Mas maraming health bars, mas pinahirap na Gulag, at mas mataas na presyo sa Buy Station, talaga namang pwede mong ipagyabang ang exclusive Iron Trials ’84 calling card mo pag nagtagumpay ka dito.

Ano ang Numbers event sa Call of Duty: Warzone Season 5 Reloaded?

Sa pag-deploy ng mobile broadcast stations sa Verdansk, pinagpapatuloy ang Warzone Season 5 Reloaded ang malagim na balak ni Stitch sa limited-time na Numbers event.

Sinabi ng mga developers na may solid na reward stream para sa mga sasali sa Numbers event. Instant US$2,000 bonus agad ang makukuha mo sa mga stations sa unang interaction mo sa kahit anong match.

Habang nagi-interact ka sa ibat ibang station, ay asahan mong makakatanggap ka ng mga goodies tulad ng sticker, calling card, charm, at dagdag na XP.

Kapag nakumpleto mo ang siyam na challenges ng Numbers event ay matatanggap mo ang Sai, ang kauna-unahang functional melee weapon na makukuha sa isang limited-time event.

Ang numbers event ay magsisimula sa September 22, 1 a.m. GMT+8.

Ang pagdating ni Judge Dredd sa Warzone

CallOfDuty Warzone JudgeDredd
Credit: Activision

Kung masyadong Hollywood sina Rambo at John McClane para sa’yo, ang sci-fi icon na si Judge Dredd mula sa comics naman ang dala ng Warzone Season 5 Reloaded.

Magiging available si Judge Dredd bilang operator skin para kay Ingo Beck ng Warsaw Pact, kasama ang monochrome na “Comic Strip” variant.

Maliban sa dalawang Legendary skins, meron ding kasamang tatlong weapon blueprints ang Tracer Pack: Judge Dredd bundle. Kabilang dito ang “Lawgiver” pistol na base sa standard-issue weapon ng mga Judges.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Call of Duty: Warzone Season 5 Reloaded, tignan ang kanilang official blog post.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.