Kilala ang streamer na si Timothy “TimTheTatman” Betar bilang isa sa pinakamalaking pangalan sa Twitch dahil sa kaniyang seven million followers.

Ngunit sa kabila ng kaniyang malakas na following sa platform, pumirma ng isang exclusive streaming deal si Tim kasama ang YouTube Gaming na ikinagulat ng maraming fans at kapwa streamers niya.

Ang huling mensahe ni TimTheTatman sa Twitch 
TimTheTatman
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Naging isang Twitch partner si TimTheTatman noong 2012, at siya ay nag-stream ng mga titles katulad ng Overwatch, Fortnite, at Call of Duty Warzone. Naging kilala siya sa mga katawa-tawang kalokohan at masiyahing personalidad sa mga streams niya. 

Dahil sa kaniyang napakalaking impluwensya sa platform, nagkaroon siya ng huling mensahe para sa kaniyang audience sa kaniyang huling Twitch stream.

Maikli lang ang kaniyang mensahe; sinabi niyang hindi na niya ipagpapatuloy ang pag-stream sa kinabukasan, ngunit ang kaniyang taos pusong mensahe para sa kaniyang mga Twitch fans ay nagbigay ng pahiwatig ng isang malaking pagbabago sa kaniyang career. 

“I appreciate and love you all. Thanks again for all the love as always. I’ll catch you all later,” sabi ni Tim. 

Tapos nag-debut si Tim sa YouTube Gaming 
Credit: Dr DisRespect

Ngayon na parte na siya ng YouTube Gaming, naka-pokus si Team sa kaniyang tatlong YouTube channels para makapaghatid ng mas magandang video content para sa kaniyang mga fans.

Kamakailan lang, nagkaroon ng reunion si Tim kasama sina Herschel “Dr DisRespect” Beahm IV at Benjamin “DrLupo” Lupo sa kaniyang kauna-unahang YouTube stream na nakahatak ng 2.2 million views.

Nag-host din ang streamer sa isang Call of Duty Warzone trios tournament na mayroong US$50,000 prize pool.

Panooring ang opisyal na YouTube Gaming announcement ni TimTheTatman dito:

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita at highlights tungkol sa mga streamers.