Nakatanggap ng kauna-unahang patch update ang Iron Trials 84 ng Call of Duty Warzone para maging mas smooth ang gameplay at exlusive economics nito.
Asahan ng mga Iron Trials players ang mga mabibigat na pagbabago sa contracts at Buy Stations, kasama na rin ang paghatid sa bagong Specialist Token.
Nasa Call of Duty Warzone Iron Trials 84 na ang Specialist Token
Kung hindi ka pa nagkaroon ng oportunidad para makuha ito sa mga nakaraang seasons, ang Specialist Token/Bonus ay isang looted item na makakapagbigay sa’yo ng lahat ng perks sa Warzone.
Bagamat ito ang pinakamalakas na addition sa Iron Trials 84, nakita ng Raven Software ito bilang isang oportunidad para makabuo ng mas diverse economy kung saan maaring dumiskarte ang mga players sa kanilang mga nabiling items.
Naghahanap din ng paraan ang mga developers para mas ma-enable ang Hardline perk na nagbibigay ng discounts.
Paano makuha ang Specialist Bonus
Sa Iron Trials, ang Token ang nagsisilbing reward para sa mga top performing players at ito ay sisingil sa kanila ng tumataginting na $50,000 sa Buy Station.
Mga pagbabago sa Buy Stations at contracts
Para mas mapadali ang paglabas ng mga matinding perk na ‘to, babawasan ng Iron Trials ang player earnings sa pamamagitan ng contracts at Buy Stations.
Magbibigay ng mas kaonting discounts ang Buy Stations sa mga items habang magbibigay naman ng mas kaonting cash ang contracts sa mga players.
Bagamat inamin nila ito bilang isang “polarizing change”, nabanggit ng Raven na mapapanatili ng nerf na ito sa cash management ang action-packed gameplay sa Iron Trials 84 lobbies.
“This is part of how we subtly encourage map movement and fighting,” sabi ng Raven Software. “Additionally, we feel scavenging, being resourceful, and barely scraping by is part of what adds to the charm and intensity of the Trials.”
ITEM | CHANGES |
Buy Station | Dinagdag na ang Specialist Token 50% na ang discounts sa Supply Run sa bawat item maliban sa Team Redeploy (100%), Loadout Drop Marker (10%), at Specialist Token (10%) Magbibigay na ng 25% discount ang Hardline Perk sa bawat item maliban sa Self Revive (20%), Loadout Drop Marker (10%), at Specialist Token (20%) |
Contracts | Recon cash reward ($1,100 na mula sa $1,300) Scavenger cash reward ($1,600 mula sa $2,500) Bounty cash reward ($2,500 mula sa $3,800) Supply run ($1,200 mula sa $1,300) |
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang full Season 5 reloaded patch notes.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa mga balita, highlights, at guides sa CoD.