Matindi ang elimination race na nangyari sa ONE Esports Warzone Showdown sa pagitan ng 12 celebrity streamers mula Indonesia, Malaysia, Philippines, at Thailand.
Bagamat nagkaroon ng malaks na 85-point performance ang Thai streamer na si Marky932 sa Session A, napatunayan ng pambato ng PH na si Alita Zunic na mas magaling siya matapos niya maiuwi ang first place sa kanilang Call of Duty Warzone fight.
Isang bounty hunter sa Call of Duty Warzone si Alita Zunic
Habang naghabulan ang mga ka-kompetisyon niya sa pag-eliminate ng isa’t-isa, sinimulan ni Alita Zunic at ng kaniyang squad ang laro sa mga bounty contracts.
Isa sa kaniyang pinakamabangis na matches, hinabol ng streamer ang isa sa kaniyang mga bounties. Dahil nahirapan siya barilin ito mula sa backseat, bumaba si Alita sa kanilang dune buggy at pinatumba ang target mula sa malayo.
Nakapag-clutch ng isang double kill si Alita para makuha ang kaniyang kauna-unahang Warzone victory
Bagamat matindi ang tensyon para makakuha ng pinakamataas na elimination record, naging chill si Alita sa isa sa kaniyang mga krusyal na endgame circles.
Tumakbo ang streamer paikot ng mga apartments ng Verdansk International Airport at nakasungkit ng isang clutch double kill para makuha ang kaniyang kauna-unahang Warzone victory sa kompetisyon.
Kasabay ng kanilang mga eliminations, nabigyan din ng tatlong extra points ang team ni Alita dahil nakuha nila ang panalo.
Pinataas ni Alita ang score niya sa pamamagitan ng isa pang Call of Duty Warzone match
Dahil mayroon pa siyang labis na oras matapos ang kaniyang unang panalo, bumalik si Alita at ang kaniyang team sa Verdansk para makakuha ng mabilisang puntos.
Sa halip ng pag-play safe, naging mas agresibo si Alita sa kaniyang mga enkwentro at ginamit ang bawat armas na mayroon siya. Sa isang labanan, nilabas pa niya ang kaniyang Combat Bow para mapatumba ang paparating na sasakyan.
Tinapos ni Alita at ng kaniyang team ang match na may pangalawang panalo at nakakuha ng malaking puntos para mapataas ang kanilang standings.
Tinapos ni Alita at ng kaniyang team ang match na may pangalawang panalo at nakakuha ng malaking puntos para mapataas ang kanilang standings.
Ang final score ni Alita sa ONE Esports Warzone Showdown
Ang dalawang panalo ni Alita Zunic ay nagbigay sa kanila ng total na 94 points, at tinalo nila si Marky932 para maging kampeon ng ONE Esports Warzone Showdown October 2021.
Kasabay ng kaniyang titulo bilang kampeon ng ONE Esports Warzone Showdown, umuwi si Alita ng mayroong tumataginting na US$5,000 prize pool.
Ibinunyag ni Alita ang kaniyang mga stratehiya sa Call of Duty Warzone sa isang post-match interview
Sa isang panayam matapos ang match, pinagusapan ni Alita ang dynamics ng kaniyang team at kung paano nila inimprove ang kanilang pagkakataon para manalo sa isang Call of Duty Warzone match.
“I’m in charge of the contracts and gathering all the money. In case our teammate dies, I can just buy him back, buy him a loadout, and reset the game,” sabi ni Alita.