Nagdiwang ang Call of Duty Mobile na kaniyang pangalawang anibersaryo, at sa bawat espesyal na okasyon, kailangan din ng mga players music playlist.
Sa halip ng mga engrandeng orchestras na may magarang instruments at thematic sounds na nilalabas sa bawat season, naghatid ang Activision ng isang lo-fi remix playlist para sa mga mas batang henerasyon.
May sariling lo-fi music playlist si Ghost sa gitna ng mga matches
Habang pwede mong asahan na puno ng mga in-game callouts at tunog ng baril ang mga kanta, ginaya ng senior sound designer ng Activision na si Drew Olsen ang soundscapes ng mga pangaraw-araw mong lo-fi playlist.
Sa halip ng mga samples ng ordinaryong lo-fi soundbites, bumuo si Olsen ng isang magandang paghahalo ng mga nakaraang anthem ng laro na sinamahan ng piano riffs, jazzy basslines, at boom bap drums.
Isang remix para sa iba’t-ibang seasons ng Call of Duty Mobile
Nagbigay respeto ang Activision sa Lo-Fi Girl, ang icon ng mga ganitong klase ng playlists, sa pamamagitan ng paghatid ng parehas na eksena kung saan nakaupo malapit sa bintana si Ghost ng Call of Duty Mobile.
Habang nag-aaral si Lo-Fi Girl, makikita ng viewers si Ghost sa iba’t-ibang seasons ng laro, mula sa Winter War hanggang sa night-vision aesthetic ng Going Dark.
Maging isang streamer ka man o isang diehard fan, ang music playlist na ito ang perpektong paraan para ipagdiriwang ang dalawang taon ng sikat na mobile FPS na ito.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gamay, at highlights tungkol sa CoD Mobile.