Maraming movie fans ang nahumaling sa Dune, isang sci-fi movie na pinagbibidahan ng American actor na si Timothée Chalamet na gumanap bilang Paul Atreides.
Lingid sa kaalaman ng bagong fans, si Chamalet pala ay isang die-hard gamer, at mayroon pang lumang YouTube channel na may mga content tungkol sa modded video game controller.
Dune star Timothée Chalamet, ibinunyag ang gamer life sa isang panayam kasama si Nate Hill
Kilala mo man siya sa mga pelikula bilang Laurie, King Henry V, ngayon bilang Paul Atriedes, at sa susunod bilang ang bagong Willy Wonka, sa likod ng camera, gamer din katulad natin si Timothée Chalamet.
Inamin niya sa isang panayam na lumaki siyang naglalaro ng video games.
“I got a GameCube when I was seven,” banggit niya sa isang panayam kasama ang Fortnite player na si Nate Hill.
Ang lumang YouTube Timothée Chalamet
Lumaki rin si Chamalet na may ibang hilig sa video game controllers. Gumawa pa siya ng YouTube channel, ang “ModdedController360”, kung saan tampok ang mga Xbox 360 controllers na siya mismo ang nag-modify at nag-spray paint.
“I would charge people ten dollars,” kwento ni Timothée Chalamet. “My parents, they were like, you’re spray-painting all over the house, you can’t do this anymore.’”
Ano ang mga video games na nilalaro ni Timothée Chalamet?
Marami-raming laro na rin ang kinahumalingan ni Chamalet, kabilang na ang Luigi’s Mansion at Super Smash Bros. Meron din siyang ilang Call of Duty titles, gaya ng Call of Duty: Modern Warfare 1 at Call of Duty: Modern Warfare 2.
“Had the mods, had the 10 prestige modded,” sambit niya sa isang panayam kasama si Nate Hill.
Nagawa pa nga niyang manalo sa isang game ng Call of Duty: Warzone noong nakaraang taon, at proud niya pa itong tinweet.
Nakuha rin ni Chamalet na maglaro habang nasa set ng Dune, salamat sa kanyang co-star na si Oscar Isaan na nagdadala ng PlayStation 4 sa kanyang trailer.
Mapapanood ang kumpletong interview ni Nate Hill kina Timothée Chalamet at kanyang co-star na si Zendaya dito:
Kelan ang showing ng Dune, saan mapapanood
Sinimulan ang staggered release ng pelikula noong Setyembre, at patuloy pa rin itong pinapalabas sa United States, Japan, at Canada. Maaari rin itong mapanood sa HBO Max.
BASAHIN: Ganito nakakaapekto ang caffeine sa inyong gaming performance