Kilala ang Call of Duty Warzone dahil sa kaniyang diverse na armory; kumukuha ito ng mga baril mula sa Modern Wardare at Black Ops: Cold War.

Pagdating sa long range na bakbakan, dalawang baril ang lilitaw bilang paborito ng mga fans: ang Kar98k at Swiss K31.

Bagamat naguunahan ang dalawang baril na ito para sa titolo na pinakamabangis na long range rifle sa Call of Duty Warzone, nadiskubre ng YouTuber na si TrueGameData ang isang sekretong feature sa Kar98k na maaring magtapos sa debate.

Nagbibigay ang Kar98k ng mas magandang aim assist para sa controller users 

Sa pagsuri niya sa dalawang guns sa isang Plunder match, nakita ni TrueGameData na mayroong mas malakas na rotational aim assist ang Kar98k marksman rifle, kung saan “dumidikit” ang crosshair sa kalaban kapag pinapaulanan ito ng bala.

Umaabot hanggang 35m ang hip fire ng Kar98k, habang ang kaniyang aim-down sights (ADS) ay aktibo hanggang 200m. 

Para naman sa Swiss, nakulangan ang sniper rifle ng hip fire aim assist, at minimal ang sticking motion kapag gumagamit ng ADS.

Binanggit din ni TrueGameData na ang aim assist feature ay ekslusibo para sa mga controller users, at magiging actibo lang ito kapag gumagalaw ang player.

Bakit mayroong mas magandang aiming ang marksman rifle (Kar98k)? 

Hula ni TruGameData na ang rason para sa boost sa aim nito ay ang mga kategorya ng mga baril na ito.

Napansin niya na ang ibang marksman rifles tulad ng SP-R 208 ay pinatili ang kaniyang strong assist habang naka-aim gamit ang kahit alin sa hipfire o ADS, habang ang ibang snipers tulad ng HDR ay may parehas na tracking sa Swiss K31.

Worth it pa ba ang Swiss K31 sa Call of Duty Warzone? 

Bagamat nagmumukhang malabo ang paggamit sa Swiss K31 bilang isang controller weapon sa Call of Duty Warzone, mayroon pa rin namang benefits ang sniper para sa mga keyboard at mouse players.

Base sa stats chart ni TrueGameData para sa dalawang baril, nagdudulot ang Swiss ng mas matinding damage sa katawan at leeg at nagbibigay ng mas mabuting movement speed habang naka-equip ito.

Mas mabilis din ang reload time ng Swiss K31 dahil sa kaniyang 5-round magazine kumpara sa single bullet refill ng Kar98k.

Paanorin ang buong paliwanag dito: 

Sundan ang ONE Esport sa Facebook para sa mga balita, gabay, at highlights tungkol sa Call of Duty.