Kasabay ng paglabas ng Call of Duty Mobile Season 4 Wild Dogs ay ang mga bagong baril, mapa, at modes. Kasama na rin dito ay ang melee na Kali sticks. 

Maaring makuha ng mga players ang melee weapon na ito sa pamamagitan ng paglaro ng mga Seasonal Challenge tulad ng Flank and Shank kung saan mabibiyayaan ka ng Kali sticks, Mil-Sim – Crash Down operator, Cordite – Crash Down, at iba pang rewards. 

Libreng Kali sticks sa Call of Duty Mobile 

CODM kali sticks
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports

Para makumpleto ang mga misyon, dapat maglaro sa Multiplayer Mode. Ito ang mga listahan ng tasks. 

  • Magtapon ng limang flashbang grenades sa MP matches. 
  • Gumamit ng UAV Scorestreak nang 3 beses sa MP matches. 
  • Magipon ng 1000 Scorestreak Points sa MP matches. 
  • Pumatay ng limang kalaban gamit ang kahit anong melee weapon sa MP matches. 
  • Pumatay ng 10 kalaban gamit ang Shadow Blade Operator Skill sa MP matches. 
  • Magipon ng backstabber medal nang dalawang beses sa MP matches. 
  • Pumatay ng 15 na kalaban gamit ang Kali sticks sa MP matches. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa COD.