Ang Warzone streamer na si TrueGameData ang isa sa may pinakamataas na Call of Duty stats, at ngayon ibinunyag na niya ang kaniyang best sniper rifles sa Caldera.
Ayon sa kaniya, ang apat na best sniper rifles sa Warzone Pacific ay ang Vanguard Kark98k, SP-R 208, Swiss K31, at Modern Warfare Kark98k.
Ang ilan sa mga ito, tulad ng SP-R 208 at Modern Warfare Kark98k ay naka-depende sa Focus weapon perk na naka-equip na nakakababa ng flinch kapag binabaril.
Ang isla ng Caldera ay mayroong mga malawak na lugar at mahabang sightlines, kaya pwede maging susi ang isang magandang sniper rifle para manalo.
Tinignan ni TrueGameData ang iilang key statistics kapag tumitingin sa isang sniper rifle:
- ADS time
- Bullet velocity
- Flinch
- Aim walking sway
- Aim sway
- Body damage
Ito ang isang silip sa kaniyang nirerekomendang loadout, setup, at perks para sa bawat na sniper rifles na ito sa Call of Duty Warzone Pacific.
Ang best sniper class setup ni TrueGameData para sa Vanguard Kark98k: Loadout, attachments, perks
Pinili ni TrueGameData ang VDD RE02K barrel para iangat ang bullet velocity para ma-reduce ang bullet drop sa long range. Mas mapapabuti rin nito ang damage sa upper body sa mga lugar tulad ng upper arm at upper leg.
Walang glint ang 1913 Variable 4-8x optic, at masisigurado mong hindi mo maibubunyag ang posisyon mo. Ngunit ang kapalit nito ay hindi ka maaring hindi huminga para ma-steady ang shot mo.
Mas gusto niya ang VDD Thumbhole stock para sa mataas na stability build at minimal na sway, kaya hindi rin malaking bagay kung hindi ka makakahinga sa 4-8x optic. Improved naman ang aim stability at aim walking steadiness mo sa Heavy Foregrip.
Binabawasan din ng Leather Grip ang ADS time, at ito ang isa sa pinaka-importanteng stats para sa isang sniper rifle loadout sa Call of Duty.
SLOT | ATTACHMENT |
Muzzle | Scout Silencer |
Barrel | VDD RE02K |
Optic | 1913 Variable 4-8x |
Stock | VDD Thumbhole |
Underbarrel | Heavy Foregrip |
Magazine | 8mm Klauser 5 Round Fast Mags |
Ammunition | Lengthened |
Rear Grip | Leather Grip |
Weapon Perk 1 | Fleet |
Weapon Perk 2 | Fully Loaded |
Best sniper class setup ng SP-R 208: Loadout, attachments, perks
Para naman sa SP-R, piniling tanggalin ni TrueGameData ang Monolithic Suppressor sa Muzzle at nag-equip siya ng Focus perk na nakakabawas ng flinch.
Ang SP-R 26” barrel at .300 Norma Mag 5-R Mags ay nagpapataas ng bullet velocity para sa mas maasahang long-range na bakbakan, habang napapabawas naman ng Tac Laser ang ADS time.
SLOT | ASSEMBLY |
Barrel | SP-R 26″ |
Laser | Tac Laser |
Optic | Variable Zoom Scope |
Magazine | .300 Norma Mag 5-R Mags |
Weapon Perk | Focus |
Best sniper class setup ng Modern Warfare Kark98k: Loadout, attachments, perks
Kung ikukumpara ito sa regular na meta build, nirerekomenda ni TrueGameData na tanggalin ang Rear Grip para sa Focus perk, dahil sa lebel ng flinch na mayroon sa barilg ito ngayon.
Mas matindi ang damage range, bullet velocity, at recoil control ng Singuard Custom 27.6” stock. At tulad ng SP-R 208, nilagyan niya ng Tac laser para sa mas mabilis na ADS times.
SLOT | ASSEMBLY |
Muzzle | Monolithic Suppressor |
Barrel | Singuard Custom 27.6″ |
Laser | Tac Laser |
Optic | Sniper Scope |
Weapon Perk | Focus |
Best sniper class setup ng Swiss K31: Loadout, attachments, perks
Tumataas ang aim walking movement speed at nababawasan ang ADS time dahil sa SAS Combat Stock, sabi ni TrueGameData.
Nagdadagdag rin ng flinch resistance ang Airborne Elastic Wrap at nakakabawas ng ADS time. Mas magiging maganda rin ang aim stability mo para hindi masyadong magalaw ang retricle mo kapag naka-aim down sights ka.
SLOT | ASSEMBLY |
Muzzle | GRU Suppressor |
Barrel | 24.9″ Combat Recon |
Laser | SWAT 5mw Laser Sight |
Stock | SAS Combat Stock |
Rear Grip | Airborne Elastic Wrap |
Para makita ang lahat ng mga nirerekomenda ni TrueGameData sa mga best sniper rifles sa Call of Duty Warzone Pacific, panoorin ang video dito.