Naghahatid ang DMZ mode ng Call of Duty Warzone 2.0 ng panibagong paraan para makipaglaban sa Al Mazrah, at kasama na dito ang mga panibagong loot na maaring makuha. 

Maliban sa Faction mission rewards, mayroon ding mahalagang rewards ang mga in-game events. Nagbibigay ang Weapon Case events ng pitong iba’t-ibang rewards, ngunit kailangan mo itong kumpletuhin nang pitong beses para makuha ang lahat ng items. 

Tignan ang lahat ng rewards at alamin kung paano ito makuha.  

Paano makuha ang lahat ng Weapon Case rewards sa DMZ 

COD DMZ mode
Screenshot by Koh Wanzi/ONE Esports

Bihira lamang mangyari ang Weapon Case events. Mapupunta ang loot sa unang squad na makaka-kumpleto sa event, kaya asahan mong may mga kalaban sa paligid.  

Naka-marka ang event sa isang dilaw na bilog na may question mark sa gitna ng Tac-Map. Kailangan mong labanan ang mga AI na kalaban at patumbahin ang mga armored Juggernaut boss na magbibigay ng Weapon Case.  

Mayroong tatlong posibleng lokasyon para mag-spwan sa DMZ mode: Al Sharim Pass, Zarqwa Hydroelectric, at Observatory.  

Makikita ang event location sa mapa pag-load in mo, kaya dapat mo nang puntahan ito agad bago ka maunahan sa gear. Ibig sabihin ay dapat may at least level 2 armor plates ka, isang Armor Box para dagdag armor plates, at isang ammo box para malagyan muli ang iyong ammunition, at Stims pang-heal ng sarili mo.  

Kapag nakalapit ka na sa Juggernaut, isang alert notification ang lalabas sa iyong screen para malaman mo na malapit na siya.  

COD DMZ mode
Credit: u/ExceedinglyGayRoach on Reddit

Isang magandang weapon na gamitin ay ang LMG tulad ng RPK na may mataas na rate of fire at mabigat na magazine para ma-maximize mo ang damage output mo bago mo kailangan mag-reload. Ngunit ang pinakamabilis na paraan para patumbahin siya ay sa pamamagitan ng pagsagasa gamit ang isang vehicle.

Kapag pupulutin mo ang Weapon Case, lalabas ang iyong lokasyon sa Tac-Map para sa lahat ng players sa DMZ. Mabuting ‘wag kang manatili doon – kapag ika’y namatay bago ang exfiltration, matatalo ka sa case at wala kang makukuhang rewards na kasama nito.  

Ang pinakamahirap na pagsubok ay ang pag-exfiltrate nang hindi napapatay ng ibang squad na minamata rin ang iyong Weapon Case.  

May pitong rewards na maari mong makuha:  

  • Caution Tape RPK weapon blueprint 
  • Biohazard weapon sticker 
  • Jungle Incognito vehicle skin 
  • Gas Gas Gas weapon charm 
  • Weapon Crate calling card 
  • Weapon Crate emblem 
  • Biohazard König Operator skin 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa CoD.